Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anne, karay-karay ang BF sa pagvi-videoke

Anne, karay-karay ang BF sa pagvi-videoke

NAALIW lang ako sa natalisod kong balita tungkol kay Anne Curtis.

Bilang paghahanda sa susunod na major concert nito, may naisip na raw itong bagong titulong ikakabit sa kanya ngayon pa lang—Grandyosa o Reyna ng Grand Videoke!

Nakonek sa name ng produktong ineendoso niya. Na ang mga nauna eh, ang songbird at si Charice.

Aminado naman ang singer-actress-host na hindi niya tine-take for granted ang kanyang career in singing at maski ang boyfriend niyang si Erwan Heussaff eh, kinakaray daw niyang talaga sa mga singing bout niya in different karaoke bars. Kesehodang abutin siya ng madaling araw at closing time.

Sing kete sing ang nagbinyag ng bagong titulo sa sarili niya na talaga naming ikinakikilig niya!

Pilar Mateo

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top