Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Major Rollyfer Capoquian ‘Kotong’ Commander ng PCP-1 (Baclaran)!?

Major Rollyfer Capoquian ‘Kotong’ Commander ng PCP-1 (Baclaran)!?

00 Bulabugin JSY

SAYANG ang ranggo nitong si Chief Insp. ROLLYFER CAPOQUIAN, ang binabansagan KOTONG COMMANDER ‘este’ hepe ng PCP-1 sa Baclaran.

Aba’y hindi yata police career ang hinahanap nito kundi ang magkamal ng kwarta mula sa PAWIS at DUGO ng mga vendor, pedicab, jeepney, UV express at bus drivers at iba pang ‘nagtatrabaho’ sa kalsada.

Malamang kasama pa ang mga ‘OSDO’ d’yan!?

Sa hanay umano ng mga pedicab driver isang taga-Muslim area ang kanyang kolektor.

Minsan na raw binugbog ni MAJOR CAPOKIAN ‘este’ CAPOQUIAN ang kanyang kolektong dahil ini-estafa ang koleksiyon. Nagkasakit daw kasi ‘yung asawa ng kolektor niya kaya ipinambayad muna sa ospital. Pero kahit anong pakiusap ng kanyang kolektor e talagang gulpi-sarado pa rin.

Pero nang ireklamo na siya, aba ‘e biglang nag-offer si Major Capoquian ng P100k. Pero matindi ang pagtanggi ng binugbog na kolektor, kahit P1-milyon pa raw hindi sila paaareglo.

Aba ‘e saan ka naman nakakita na isang police major ay kayang umareglo ng P100k?

Rich ka pala Major ha?!

Pero yakang-yaka raw talaga ni Capoquian umareglo ng P100k o hanggang P500k kasi malaki naman talaga ang kolekTONG ng PCP n’ya.

Sa mga lider ng mga vendor lang kumokolekta ang PCP n’ya ng P2,000 kada linggo (P1000 kapag araw ng Miyerkoles at P1000 tuwing araw ng Linggo).

Bukod sa vendor, may kolekTONG din siya sa mga illegal terminal sa Quirino Ave., sa Baclaran. Mahina raw ang kolekTONG na P95,000 isang araw.

Ang katwiran ni MAJOR CAPOQUIAN, naghahatag siya sa Mayor’s office, kay alyas JOJO ng City Hall, MMDA, LTO, PTMO, PNP traffic at mismong sa tanggapan daw ni P/Supt. Andrade na hepe ng Parañaque police.

Aba, mabigat pala ang kolekTONG ng PCP ni Major CAPOQUIAN … wala raw kasing ganyang ‘kitaan’ sa pinanggalingan n’ya sa Mindoro?!

Paging NCRPO Chief Gen. Marcelo Garbo, totoo ba ang pamalita ng PCP-1 na batang-sarado mo raw si Capoquian!?

No wonder kung bakit ganyan ka-astig ‘yan!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top