Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Tumangging magsaing bahay sinunog ng anak

Tumangging magsaing bahay sinunog ng anak

LEGAZPI CITY – Hindi makapaniwala ang mga magulang na susunugin ng 43 -anyos nilang anak na lalaki ang kanilang bahay sa Purok 2, Bacong, Ligao City makaraan nilang pagalitan dahil ayaw magsaing.

Ayon sa mag-asawang sina Celedeño at Salvacion Ponteres, posibleng labis na naghinanakit ang kanilang anak na si Edgardo kaya sinunog ang kanilang bahay.

Halos naabo naman ang kanilang bahay na gawa lamang sa light materials.

Napag-alaman na bago ang sunog, napagalitan muna si Edgardo matapos na tumangging magsaing.

Samantala, nakatakda naman isailalim sa pagsusuri ang suspek dahil sa sinasabing problema sa pag-iisip.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top