Friday , September 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gretchen Barretto aasuntuhin ni Atty. Ferdinand Topacio (Dahil sa pagiging mahadera)

Gretchen Barretto aasuntuhin ni Atty. Ferdinand Topacio (Dahil sa pagiging mahadera)

SA KABILA ng pahayag ni Mr. Mike Barretto na negatibo ang anak na si Claudine Barretto sa lahat ng klase ng droga nang magpa-drug test kamakailan. Kinontra ng isa pang anak ni daddy Mike na si Gretchen Barretto ang ginawang statement sa nakaraang Press Con ni Claudine sa Rembrandt Hotel na ipinatawag ng legal counsel ng actress na si Atty. Ferdinand Topacio. Kahit na sobrang winawalanghiya na siya ng kanyang eldest sister (Greta) ay deadma na lang si Claudine. Katuwiran niya sayang lang ang kanyang oras kung papatulan pa ang kadugo na walang ginawa sa buhay niya kundi ang siraan nang siraan siya. Pero, kung inaakala ni Gretchen na palalampasin lang ang below-the-belt niyang tirada kay Clau nagkakamali siya. Dahil ang latest, ikino-consider na ng seasoned at celebrity lawyer na si Atty. Topacio na sampahan siya ng kaukulang mga kaso. Say pa ng labs at BFF naming abogado na wala nang pahinga, lumampas na si Greta sa kanyang limitasyon at nawawala na ang respeto niya kahit sa kanyang inang si Mommy Inday Barretto na nagsilang sa kanya. Walang awa rin ang actress sa amang maysakit kaya dapat nang turuan ng leksiyon. Oo nga naman! Para ba naman kasing sakdal linis ng nasabing babae samantala marami siyang kapalpakan noon sa buhay. Sino ba ang makalilimot sa ginawa niyang pagtataksil noon sa ka-live in na basketeer na si Joey Loyzaga? Imagine nagsasama sila ni Joey pero nakikipagtagpo siya kay Aga Muhlach. Naging laman rin ng news ang yabangerang aktres sa “Kissing Scandal” nila ni John Estrada. Hay naku! Marami pa, kaya magtigil na siya sa kasasawsaw sa away nina Clau at Raymart Santiago.

Okray gyud!

TULAD NI CHICHAY (KATHRYN), JOAQUIN (DANIEL) SERYOSO NA RIN SA KANYANG PAG-AARAL  SA “GOT TO BELIEVE”

Sa top-rating Teleserye ng dalawa na “Got To Believe,” ay magandang impluwensya talaga si Chichay (Kathryn Be- rnardo) sa señoritong alaga na si Joaquin (Daniel Padilla). Kasi kung dati shy type person at aloof sa mga tao si Joaquin.

Ngayon ay naging masayahin na siya at tulad ni Chichay ay seryoso na sa kanyang pag-aaral sa unang taon sa kolehiyo at kumandidato pa para maging first year representative ng kanilang school na Malaya University na tumakbo rin si Chichay kalaban ang contravida sa buhay na si Editha “Didith” Pantoja (Kristel Fulgar). Pero mas marami ang bilib sa kakayahan ni Chichay kaya silang dalawa ang makakukuha ng maraming boto sa mga kapwa-estudyante. Samantala, para pare-pareho na silang matahimik ay inamin na ni Jaime (Ian Veneracion) sa kanyang wife na si Julianna (Carmina Villaroel) na kaharap ang cook nilang si Bettina (Manilyn Reynes) na nanay ni Chichay na kababata niya at ito ang first girlfriend niya. S’yempre may gulat factor kay Julianna ang rebelasyon ni Jaime pero pilit niyang inuunawa ito ngayon at ayaw paalisin si Bettina sa bahay nila. Hanggang kailan matatanggap ni Julianna ang sitwasyon lalo pa’t hanggang ngayon pakiramdan niya si Bettina pa rin ang mahal ng

kanyang mister? Pero para kay Bettina matagal na niyang limot si Jaime lalo pa’t masaya na siya sa piling ni Chito Tampipi, na lalaking nagtiwala at buong-pusong nagmahal sa kanya. Paganda nang paganda ang takbo ng istorya ng “Got To Believe” kaya para hindi kayo mabitin h’wag bibitiw sa panonood gabi-gabi sa Primetime Bida ng Kapamilya network pagkatapos ng “Juan dela Cruz” na nasa huling 15-gabi na lang.

BENHUR LUY, HANDA NANG MAKAHARAP SI NAPOLES?

Magsasalita na sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Oktubre 12) si Atty. Levi Baligod, ang legal counsel ng P10-billion pork barrel scam whistleblower na si Benhur Luy. Sa huling bahagi ng “The Pork Barrel Interviews” special ng “Bottomline,” samahan ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda at alamin ang kasalukuyang kalagayan ng isa sa pinakamahalagang saksi ng isa sa pinakakontrobersyal na kaso ng korupsyon sa bansa. Handa na bang harapin ni Luy ang dating amo na si Janet Lim-Napoles kung sakaling magharap sila sa Senado? Ano ang reaksyon nila sa isyung ‘di umano’y gumagamit si Luy ng ipinagbabawal na gamot? Sa huli, naniniwala ba si Atty. Baligod na sapat na ang kanilang mga ebidensya upang maipanalo ang kaso laban kay Napoles? Makialam sa mga usaping panlipunan at huwag palampasin ang 2013 USTv Awards Best Public Affairs Talk Show na “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado, pagkatapos ng “Banana Split.”

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top