Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Pasay City teachers nadale ng ‘OPM’ ni Mayor Tony Calixto!?

Pasay City teachers nadale ng ‘OPM’ ni Mayor Tony Calixto!?

00 Bulabugin JSY
AGRABYADONG-AGRABYADO ngayon ang pakiramdam ng public school teachers sa Pasay City.

Noong nakaraang eleksiyon ang tindi raw ng ‘Oh Promise Me’ (OPM) ng reelectionist (noon) na si Tony Calixtong ‘este mali’ Calixto … “Dadagdagan ko ang cost of living allowance (COLA) ninyo …”

Pero hindi na nga TINUPAD ang kanyang OPM ‘e binawasan pa ng 66 percent o mula sa P3,500 (COLA) ay P1,200 na lamang ang natanggap ng public school teachers ngayon sa Pasay City.

Sa sobrang pagkadesmaya nga ng mga guro ‘e nag-RALLY sila sa city hall compound sa pangunguna ni Salvador Albotra, president ng Federation of Public School Teachers’ Associations sa Pasay City.

Anila, ang kanilang P3,500 monthly allowance ay mula sa city government’s special education fund kaya nagtataka sila kung bakit imbes dagdagan ni Calixto ay binawasan pa ng 66 percent kaya naging P1,200 na lang ang nakuha nila mula nitong nakaraang September at wala pa umanong kasunod.

Ang rally o dialogue kamakalawa ay ikalawang pagtatangka na ng mga guro dahil maliwanag na pambabastos nga naman sa kanila ‘yung bigla na lang binawasan ang kanilang COLA nang wala man lang abiso.

Noong una silang nag-RALLY, nagalit pa raw sa kanila si To-Calix at paasik pang tinanong kung sino raw ang ‘PROMOTOR.’

Hak hak hak … nagtanong ka pa, e di s’yempre ikaw ang ‘PROMOTOR’ ng rally nila. Bigla mo ba namang bawasan ang COLA nila ‘e talagang mag-aalboroto ‘yang Pasay City teachers.

Kamakalawa naman, habang nagra-RALLY sila sa compound ng city hall at nakaladlad ang kanilang mga placard, agad silang pinaakyat ng security guard dahil ipinatatawag  na raw sila ni Yorme.

Dahil ang layunin naman ng mga guro ay mabawi ang tinapyas sa kanilang COLA kaya minabuti nilang makipag-DIALOGUE kay Mayor.

Akala nga nila, papasukin din ‘yung mga taga-MEDIA, pero hinarang daw ‘yung taga-TV 5 at ‘yung news photographer ng HATAW.

Inakala rin ng mga titser na magkakaroon ng bargaining pero laking gulat nila nang mabilis na naghugas ng kamay ala-Poncio Pilato si Calixto.

Ang katwiran daw ni To-Calix, ang reduction (66 percent) ng kanilang COLA ay batay sa five-page Audit Observation Memorandum (AOM) na inisyu ng local auditor ng Commission on Audit (COA) noong Pebrero 11.

Inirekomenda umano ng COA sa pamamagitan ng AOM na ang COLA ng mga guro ay bawasan ng P2,300 at gawin na lamang P1,200 alinsunod umano sa Local Budget Circular (LBC).

Pero sabi ng mga guro ‘yang LBC na ‘yan ay matagal nang idineklarang null and void ng Supreme Court sa kaso ni Judge Tomas Leynes vs COA.

Masyado umanong malupit, hindi makatarungan at walang konsiderasyon ang desisyon na bawasan ang kanilang COLA dahil hindi man lang sila inimpormahan, ayon kay Albotra.

Mula umano noong 2008, ang kanilang COLA na P1,200 ay nadagdagan nang nadagdagan hanggang naging P3,500 nang kanilang hilingin at inaprubahan naman ng city government.

Sa kanyang paghuhugas-kamay, ipinayo umano ni To-Calix sa mga guro na sumulat sa COA at ipaliwanag kung bakit hindi kailangan bawasan ang kanilang allowance.

Walastek ano?!

Nauna pang nakita ng COA ‘yung COLA ng mga nagtatrabaho at nagsasakripisyong guro kaysa GHOST EMPLOYEES na nabuking sa administrasyon ni To-Calix.

Hindi ba’t sinampahan pa nga ng kaso si Calixto sa Ombudsman?

Ano na nga ang ‘STATUS’ ng kaso mo sa Ombudsman, Mayor Tony Calixto?!

Huwag naman ninyong baluktutin ang BATAS. Huwag ninyong gamitin ang LBC na matagal nang “NULL and VOID.”

IBALIK ninyo ang dating natatamasang COLA ng Pasay City public school teachers!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top