Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John, payag mag-ninong sa magiging anak nina Melai at Jason

John, payag mag-ninong sa magiging anak nina Melai at Jason

OKEY na kay John Prats kung magkita sila ni Jason Francisco. Kung halimbawang kunin daw siya nina Melai at Jason na ninong ng baby ng mga ito ay hindi siya tatanggi.

“Walang problema naman doon. Ninong ng anak, puwede,” deklara niya.

Noong una ay hindi pa nila alam na buntis si Melai pero napapansin nila na parang laging inaantok at parang matamlay sa taping ng Banana Split, ‘Yun pala, may dinadala na.

Bukod sa Banana Split, may bagong show si John bilang host. Ito ‘yung ikalawang season ng realiseryeng I Dare You simula sa Sabado (Oct 12) sa ABS-CBN.

Kasama ni John ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Deniesse Aguilar, Robi Domingo, at Melai Cantiveros, Susubukin ng I Dare You ang lakas ng loob at tibay ng damayan ng mga magkakasanggang “Celebrity Kakampi” at “Bidang Kapamilya” sa kanilang pamumuhay at pagsuong sa mga pagsubok nang magkasama.

Ang mga Bidang Kapamilya ay mga karaniwang Filipinong araw-araw na hindi inuurungan ang mga totoong hamon ng buhay, gaya ng mga bumbero, sports coach, magsasaka, atleta, sundalo, traffic aide, guro, at iba pa. Sila ang mga tinaguriang ‘unsung heroes’ na walang sawang kumikilos o kumakayod para makatulong sa iba.

Payag tumakbo sa Oblation Run sa UP

Samantala, tinanong din si John kung kaya ang hamon na sumali sa Oblation Run sa UP.

“Nakatakip naman ang mukha, ‘di ba? Ha! Ha! Ha! Basta, tayo-tayo lang, ha? Ha! Ha! Ha!” sey niya na tumatawa.

Paano kung sumabay siya sa UP Campus at maraming manonood?

“Medyo mahirap naman ‘yon. Pero kita birdie?! Ibang experience ‘yun, ah! Ha! Ha! Ha! Basta, hindi televised!” bulalas pa niya.

May nagbiro na marami naman siyang matututuhan ‘pag tumakbo siya ng hubo’t hubad.

“Sinong matutulu­ngan ko? Puwede bang malaman kung anong organization ang matutulungan ko?Ha! Ha! Ha! Ha!Pag-usapan natin. Pag-iisipan ko muna. Ha! Ha! Ha!,” sey pa niya.

Payag kaya ang girlfriend niyang si Isabel Oli na i-share at ipakita ang ‘hinaharap’ niya?

“Maiintindihan naman niya siguro. Understanding naman siya, eh! Nandoon din siya. Ha! Ha! Ha! Dyusko po, nag-i-imagine tuloy ako nga­yon!”  pagpatol  ni John.

“At saka may cover naman ‘yung mukha, eh. Magsasama na lang ako ng ka-height ko para hindi halata.Tatawagan ko si Carlo (Aquino) at si Stefano (Mori), ibalik natin ang JCS.Ha! Ha! Ha! Para malito ‘yung mga tao! Ha! Ha! Ha,” sambit pa ng aktor.

Tsuk!
Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top