Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / HP toners sa Immigration niraraket

HP toners sa Immigration niraraket

PATULOY na iniimbestigahan ang kaso ng pagnanakaw ng pitong Hp Laserjet Toners model 85-A na naganap mismo sa loob ng gusali ng Bureau of Immigration (BI) kamakailan.

Nagsampa ng kasong theft si Richard Rufo, 37 anyos, may asawa at nakatira sa 45-E P. Burgos  St., Brgy. Escopa-1, Project 4, Quezon City, empleyado ng BI laban sa mga suspek sa pagkawala ng ink toners.

Kinilala ang suspek na si Erlinda Tomas, 33 anyos, freelance agent na nakatira sa 266 Guijo Ext, St., Cembo, Makati.

Sangkot ang mga empleyado ng BI na sina Ruth Valmona, Tess Concina, at Walter Blardony na tumulong umano sa pagpuslit ng mga kahon ng ink toners palabas ng gusali.

Naganap ang huling pagnanakaw nitong Oktubre 2, dakong 1:15 ng hapon sa loob ng main building ng nabanggit na kawani.

Sa sinumpaang salaysay ni Rufo, naglilibot umano siya mula sa fourth floor ng gusali nang mapansin ang isang babaeng may dalang malaking bag at nakabukas ang zipper. Dito niya namataan ang mga kahon ng ink toners at agad itong inispeksyon.

Isinama ni Rufo si Tomas sa Civil Security Unit (CSU) upang siyasatin at doon napag-alaman na binili niya ang mga ink toners mula sa tatlo pang empleyadong sangkot umano sa pagnanakaw. Matapos makuha ang detalye, dinala ni Rufo si Tomas sa tanggapan ng pulisya para sumailalim sa imbestigasyon.

(DAPHNEY ROSE TICBAEN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top