Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Ginang patay, anak sugatan sa live-in partner

Ginang patay, anak sugatan sa live-in partner

PATAY ang isang ginang habang sugatan ang kanyang 8-anyos anak na lalaki nang magwala at saksakin ng kanyang live-in partner kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Hindi na umabot nang buhay sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Cherry Ann Montero, 28-anyos ng 2297 F.B. Harrison Street, sanhi ng tatlong saksak sa baha-ging likuran.

Nasugatan din  sa kaliwang kamay at nasa mabuting kalagayan na ang anak ng biktimang si Justin Mark Montero nang magtangkang umawat sa away ng dalawa.

Isinugod din sa naturang pagamutan at nilalapatan ng lunas ang suspek na si Ronaldo Pagao, 28, nang magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng sunod-sunod na pagpalo sa kanyang ulo, gamit ang mar-tilyo.

Sa imbestigasyon nina SPOs2 Chris Gabutin at Geno-mar P. Geraldino ng Station Investigation Detective Management Section ng Pasay City Police dakong 9:35 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay sa F.B. Harrison, sa nasabing lungsod.

Ayon sa report, nakatanggap ng impormasyon ang suspek na nakikipagkita pa ang live-in sa dating asawa na ikinagalit niya at nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

“Naghinala si Pagao na na-kikipagkita pa ang kanyang ka-live-in sa dating asawa. May duda rin ang suspek na hindi siya ang ama ng dalawang taon nilang anak na lalaki kaya nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo,” ayon sa isang im-bestigador.

Sa gitna ng pag-aaway, nakakuha ng patalim ang suspek at inundayan ng sunod-sunod na saksak sa likod ang biktima habang nagtangkang umawat si Justin Mark kaya’t nahagip din ng saksak.

Duguan  na ang biktima ay nagawa pang makalabas ng bahay kasunod ang kanyang anak kaya nakahingi ng tulong sa kanyang mga kaanak at kapitbahay na nagsugod sa kanila sa pagamutan.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top