Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 5 todas sa ihi ng daga sa ‘gapo (Mahigit 200 naospital)

5 todas sa ihi ng daga sa ‘gapo (Mahigit 200 naospital)

MAKARAAN ang matinding pagbaha dulot ng malakas na ulan bunsod ng habagat sa Olongapo City, lima katao ang namatay sa leptospirosis habang mahigit 200 kaso ang napa-ulat.

Ayon sa ulat, 203 katao ang tinamaan ng leptospirosis, 175 sa kanila ay dinala sa James Gordon Memorial Hospital at 28 sa iba pang mga pagamutan.

Ayon kay  Dr. Jewel Manuel, hospital administrator ng James Gordon Memorial Hospital, ang mga pasyente ay binigyan ng antibiotics, kabilang ang pito na sumailalim sa dialysis.

“Kaya po sila kailangan bigyan ng dialisis ay dahil po ang kanilang bato or kidney ay hindi na po masyadong nagfu-function,” paliwanag ng doktor. (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top