Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ospital sa San Pedro, Laguna kwestiyonable ang operasyon? (Paging Health Secretary Enrique Ona)

Ospital sa San Pedro, Laguna kwestiyonable ang operasyon? (Paging Health Secretary Enrique Ona)

00 Bulabugin JSY

IPINATATANONG po ng mga residente sa San Pedro, Laguna kung sino ba talaga ang may-ari ng Jose L. Amante Emergency Hospital na matatagpuan d’yan sa Brgy. Sto. Niño, San Pedro, Laguna.

Ang alam kasi ng mga tao, kaya nga Jose L. Amante Emergency Hospital ang pangalan n’yan ay dahil PAMPUBLIKONG OSPITAL ‘yan.

Pero ayon sa mga pasyenteng nagpupunta d’yan, walang kagamit-gamit at walang kagamot-gamot ang nasabing ospital at parang ang lahat ng gastusin ay gusto pang hingin sa mga pasyente.

Grabe!!!

‘E paano kung walang-wala ‘yung pasyente?

Sapilitang pinapipirma pa raw ng waiver ang mga maralitang pasyente na malala na ang sakit sa ospital na ‘yan.

Sonabagan!!!

Pero ayon naman sa ilang residente, ang nasabing ospital umano ay nakapangalan daw kay Mayor Lourdes “Baby” Cataquiz.

(Ang sinundang mayor po ni Mayor Baby ay ang kanyang asawang si Calixto Cataquiz. Wala lang … pa-dyna-dynasty lang?).

Hanggang sa kasalukuyan umano ay kulang pa rin ang mga papeles para sa registration ng nasabing ospital.

(Galing po iyan sa isang very reliable source).

Health Secretary Enrique Ona, pwede po bang pakibusisi nitong Jose L. Amante Emergency Hospital d’yan sa San Pedro, Laguna.

Mayora Cataquiz, ano ba talaga ‘yan, PRIBADO o PUBLIKO?!

Pakisagot lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top