Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Gin Kings sa King of Sports

Gin Kings sa King of Sports

INIHAHANDOG ng  pinakabagong gaming at entertainment hub sa Quezon City ang King of Sports ng isang all-star Tuesday sa pagpapaningning ng  crowd favorite  Ginebra San Miguel Kings sa PBA sa kaganapang Sit-and-Go With the Stars Poker tournament ngayong gabi.

Ayon sa  organisador ng poker event, ang larong tatampukan ng mga star players ng tanyag na basketball team,  ay isang no-limit hold ‘em affair kung saan ay imbitado din ang mga pangunahing poker at billiards players, on-line poker sharks at mga celebrities sa show business.

Magsisimula ang rehistrasyon saktong alas siyete ng gabi.

Maaari ding manood  sa  pambihirang kaganapan ang mga tagahanga ng Ginebra at gaming fans kung saan ay gaganapin ito sa ikalawang palapag ng naturang venue. Bukod sa poker, kabilang din sa regular na kaganapan  sa naturang gaming hub ang billiards, e-games, e-bingo, instawin at MSW gaming booths.

Ang King of Sports ay mapupuntahan sa Century Pacific Tower, Quezon Avenue cor. Scout Borromeo sa Lungsod Quezon.

(DANNY SIMON)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top