Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Echo, itinangging nagli- live-in na sila ni Kim Jones

Echo, itinangging nagli- live-in na sila ni Kim Jones

ITINANGGI ni  Jericho Rosales ang balitang nagli-live-na sila ng kanyang girlfriend of two years na si  Kim Jones.

But he admitted that they’re quite inseparable.

“Yeah, oo, palagi kaming magkasama. When I’m not in the house, she’s there with my family. She lives alone, wala siyang family so my family is her family. But living-in? We’re not living in. We cannot call that living in. We spend a lot of time together. Oo, totoo na, you know, we stay until 2:00 or 3 :00 a.m. but we’re getting married,” he explained.

Engaged na si Jericho kay Kim at inamin niyang super close siya sa family nito.

“Her mom stayed in the house when she came here. Her family is based in Australia. Umuwi siya (Kim’s mom), sa bahay siya nag-stay. Si Kim doon din nag-stay. My house kasi is two houses, eh.  I’m here and here on the other side of the house.”

Sinabi rin ng actor na namanhikan na siya sa parents ni Kim.

“I did that before I proposed, parang ganoon. Hindi niya alam na namanhikan ako. Siyempre sinorpresa ko. Gusto ko makuha muna ‘yung permission ng magulang niya bago ko sabihin sa kanya (na I want to marry her).”

Bakit niya nasabing si Kim na ang “the one” sa buhay niya.

“Actually, hindi ko alam. In every relationship ay may mga away, bati-away, maraming challenges pero mas madalas ang joy sa buhay naming dalawa, eh. She’s just the type of a person who’s willing to support, love and give more love. Ako ay ganoon din sa kanya. She deserves all the love in the world because she’s so nice, she’s very talented, so caring. For me, I call her my dream girl. Jackpot ako, jackpot talaga ako kay Kim.”

Mukhang talagang umalagwa ang career ni Jericho dahil sa Alagwa, technically his second indie film after I Love You Virus. Nagwagi si Echo ng Outstanding Achievement Acting award in two award-giving bodies, the Newport Beach International Film Festival 2013 and more recently, the Guam-USA International Film Festival.

Ang challenge ng  kanya ng role bilang single dad  sa movie ay” pinaghalo-halo ang tatlong characters – may father, may brother, may nephew – alam mo ’yun? Nilagay ko ‘yung sarili ko sa kanila.  It’s hard kasi ‘di naman ako full-time father talaga. Robert Lim is a full-time single dad. Inisip ko na lang na ‘o, paano ‘yung ganito?’

Enchong, ine-enjoy ang bakasyon sa Mongolia at China

HINDI apektado si Enchong Dee sa chismis na mayroon siyang sex video with Sebastian Castro.

Cool as a cucumber na nag-react si Enchong sa chismis through his @enchongdee777 Twitter account.

“Astig may video scandal pala ako?? Paki post naman para mapakita ko sa magulang ko habang bakasyon kami=ØÞ=ØÞ=ØÞ bilis ang daming naghahantay=ØÞ,” tweet ni Enchong.

Nasa vacay mode si Enchong and the last places he’s visited were Mongolia and China. Nag-post siya ng photos and videos on his Instagram.

Ang nakakaloka, nap anood namin sa  video niya ang  pagkainng  ”sea horse, big #grasshopper, #Lizard and the other one I think was a #cockroach.”

Grabe! Kinaya talaga ni  Enchong na kainin laha ‘yon. Ang tibay ng sikmura niya, ha.

Alex Brosas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top