Tuesday , May 21 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 7 menor de edad nasagip sa 2 bugaw

7 menor de edad nasagip sa 2 bugaw

NASAGIP ng mga tauhan ng Manila City Hall-Manila Action and Special Assignments (MASA) ang pitong kabataang babae habang dalawang bugaw ang naaresto kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay  Chief Insp. Bernabe  Irinco, Jr., hepe ng MASA, ang pitong dalagita, edad 14 hanggang 15-anyos ay dinala sa Manila Youth and Rehabilitation Center habang ang dalawang bugaw na kinilalang sina Marinel Reyes at Russel Salonga ay kasalukuyang iniimbestigahan.

Sinabi ni Irinco, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa laganap na prostitusyon sa parking area ng isang restaurant sa Rizal Ave., Sta. Cruz, Maynila.

Agad nagsagawa ng entrapment ang mga tauhan ni Irinco at nadakma ang dalawang bugaw habang nasagip naman ang mga dalagita. (LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top