Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Magpaparak timbog sa omads

Magpaparak timbog sa omads

SWAK sa bilangguan ang isang criminology  student matapos arestuhin ng guwardiya ng eskuwelahan na pinapasukan dahil sa pagyayabang na may  baon siyang marijuana sa kanyang bag sa Maynila inulat

Isinailalim na sa inquest proceedings ang estudyanteng si  Kevin Bruzo 17,  sophomore ng Philippine College of

Criminology and Review, ng 542 Tagaytay St., Caloocan City, sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang probisyon kaugnay sa pagdadala ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Ayon kay MPD Station 3 desk officer, SPO2 Michael Mariñas,  mismong guwardiya ng PCCR na si Jomari Locsin ang bumitbit sa naturang estudyante matapos makumpiskahan ng

dalawang plastic  ng pinatuyong dahon ng marijuana si Bruzo.

Nabatid na dakong 12:00 ng tanghali,  ipinagyayabang ni Bruzo sa kanyang mga kaklase na nakapagpalusot siya ng illegal na dahon sa loob ng PCCR,

Narinig umano ito ng guwardiyang si Locsin at nakita rin ang pinangangalandakang dahon ng marijuana na dala ng suspek, kaya agad itong inaresto saka inilipat sa pangangalaga ng Manila police. (LEONARD BASILIO/

BRIAN BILASANO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top