Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Senior citizen libre sa MRT/LRT bukas

Senior citizen libre sa MRT/LRT bukas

Inihayag ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magbibigay sila ng libreng sakay sa  mga senior citizen, bukas, Sabado, October 5.

Ani LRTA spokesman Hernando Cabrera, ang libreng sakay sa mga senior citizen ay bilang pakikiisa sa Elderly Filipino week.

Sa kanilang Twitter account, sinabi ng LRTA na ang libreng sakay para sa mga senior citizen ay magsisimula alas 5:00 ng madaling araw hanggang alas 10:00 ng gabi.

“Free rides for Senior Citizens on October 5, 2013 from 5 a.m. to 10 p.m. in connection with the celebration of the Elderly Filipino Week,” nakasaad sa tweeter.

Ayon kay Cabrera, kailangan magpresinta ang senior citizens ng citizen’s ID cards upang maka-avail ng libreng sakay.

Ang Elderly Filipino Week ay ipinagdiriwang mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 7.

(MIKKO BAYLON/

JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top