Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jake, dream girl si Jessy (Kaya natotorpe sa aktres…)

Jake, dream girl si Jessy (Kaya natotorpe sa aktres…)

IN not so many words, nasasabi na ng kilos at galaw ni Jake Cuenca na truly, he’s found the girl of his dreams now in Jessy Mendiola.

‘Yun nga lang, hindi maiaalis na magduda ang mga tao dahil magsasama sila sa isang soap na mapapanood na simula October 7, sa Maria Mercedes. Though sa maraming pagkakataon, sa lahat na yata ng sinalangang guest appearances ng aktor to promote their soap, inilalantad niya ang tunay na damdamin para sa aktres.

At sinasagot din niya ang mga ibinubungang intriga, gaya ng unang alam ng mga taong siSam Milby ang interesadong manligaw kay Jessy.

Paglilinaw ni Jake, ”Iba-iba namang mag-express ng damdamin nila ang mga lalaki, eh. Ang ganda talaga ni Jessy, ‘di ba? So, kahit na sinong lalaki, hindi mo masisi kung ma-fall sa charm niya. Hindi ko masisisi kung manligaw din sa kanya si Sam. At hindi naman ‘yun magiging dahilan para magkaroon kami ng isyu dahil kaibigan ko si Sam. Sabi ko nga, may the best man win!

“Ang masasabi ko lang, no offense meant to my friend, iba rin lang siguro akong manligaw. Kilala na naman ako ng marami sa inyo. I want to keep it to myself. And lagi, gusto ko, mayroon kaming sariling mundo ng nililigawan ko. Or niyong magiging girlfriend ko.”

So, hindi pa naman niya girlfriend si Jessy?

“She will be very special. Super. Sabi ko nga, ‘di ba-natatameme ako. Nato-torpe. Ewan ko bakit sa kanya, ganoon ang naging reaksiyon ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang nangyari ‘yun. Siguro dahil she’s one of the prettiest girls in showbiz. And I am thankful na I was given this opportunity to work with her.”

Gustuhin man niyang kalimutan na ang nakaraan sa kanila ni Melissa Ricks, every once in a while, it crops up sa mga usap-usapan when it comes to his love life. Na wala pa raw itong closure?

“I think, things like those need the proper timing. Kung mag-uusap pa o hindi na. Tapos na kasi. It’s in the past na. Hindi ko kasi alam kung ano pa ‘yung pag-uusapan. Dahil natapos na nga.”

So far, nagiging in demand ‘ata si Jake sa mga sexy roles ngayon. Dahil nang rumampa siya sa Bench, talaga namang bitin pa ang mga tao maski pa sa ibang rampahan na nagpakita siya ng kanyang mga pan de sal sa katawan.

“I am just blessed. Siguro, dahil when it comes to my work, talagang lahat gagawin ko para maipakita ko what is expected from me. Kaya, marami ang natutuwa when a good job is done!”

Sen. Kiko, abala sa pagtatanim

FROM the Megastar Sharon Cuneta’s Twitter account:

“If anyone reading this can prove to me that my husband has stolen any amount from his PDAF in his 12 years as Senator, I will give you p10 million in cash and I will leave my husband. That is how confident I am.

“Sorry, HINDI KAMI MAGNANAKAW. HINDI KAMI TULAD NG IBA NA KAYANG IPAKAIN SA MGA ANAK NAMIN ANG PERANG DI AMIN O DI NAMIN PINAGHIRAPAN.

“HINDI PARE-PAREHO ANG MGA PULITIKO. DAHAN-DAHAN LANG. DAPAT MAG-UMPISA NANG MAGLABASAN ANG TOTOO NGAYON!”

But it was deleted right away. Nang ‘sangkaterba na rin ang Twit back sa kanya ng mga nakabasa nito.

Idinaan na rin lang niya sa biro ang mga sumunod niyang mensahe at sa ilan eh, nag-sorry pa ito sa kanyang mister na si Kiko (Pangilinan) na last na raw ‘yung mensahe niya.

Kinumusta ko si Mega through a text message. At ang farm na pinagkakaabalahan ngayon ni Senator ang kinumusta ko sa kanya.

“Thanks Ate. Ayun, na-wipe-out lahat ng lettuce namin sa ulan. Habang nagkakaisyu sa senado kahapon, ang text ni Kiko sakin sad na sad s’ya sa mga gulay nya!”

Kilala na namin ang mood ni Mega. Kung kailan siya nagagalit. Kung kailan siya parang tigreng susugod para ipaglaban ang kanyang pamilya. Kaya, hindi nakapagtataka na maging ganito ang mga salita niya sa bugso ng galit niya—lalo pa’t ang mga salita eh, sa Kumpareng Jinggoy Estrada niya nagmula.

And from Senator Kiko’s FB message:

“Sa mga nagtatanong kung ano ang reaction ko sa talumpati ni Sen. Jinggoy Estrada tungkol sa COA report, uulitin ko lang ang nasabi ko na noong una pang lumabas ‘yung report nitong Hulyo: Hindi ko kailanman inabuso and PDAF at hindi rin ako papayag na abusuhin ito ninuman. Bukas tayo sa anumang imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan at kung nararapat, managot ang lahat ng nagkasala.

Uulitin ko rin na wala akong inendoso na bogus NGOs o ghost projects at nakasaad din ito sa COA report.”

Pilar Mateo

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top