Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julia, mas naging aktres kompara kay Kathryn (Kaya type makasama si Lloydie sa susunod na project)

Julia, mas naging aktres kompara kay Kathryn (Kaya type makasama si Lloydie sa susunod na project)

MAS type makasama ni Julia Montes si John Lloyd Cruz sa mga susunod niyang proyekto pagkatapos ng Muling Buksan Ang Puso kaysa kay Daniel Padilla. Ang feeling niya kasi magmumukha siyang ate ni DJ (tawag kay Daniel).

Masuwerte si Julia dahil after ng Mara Clara ay nakilala siyang seryosong aktres samantalang si Kathryn Bernardo ay nakapako pa rin sa mga kilig at pang-teenager na serye.

Ginawa siya talagang tunay na ‘aktres’ ng Dreamscape Entertainment Productions at ng ABS-CBN 2. Hinuhulaan nga na mas mauunang magkakaroon ng acting award si Julia kompara kay Kathryn dahil sa mga role na ginagampanan nila.

Hindi nakapagtataka kung balang araw ay matupad ang pangarap ni Julia na makasama si JLC lalo’t  nakasama na niya ang mga magagaling na leading men ng Dos gaya nina Coco Martin, Enchong Dee at ang promising na si Enrique Gil.

Sa Biyernes ay magtatapos na ang Muling Buksan Ang Puso at ma-miss ni Julia ang mga natutuhan niya sa show lalo na sa mga beteranang artista gaya nina Cherie Gil, Agot Isidro, at Susan Roces. Iba-ibang atake kasi ng acting ang nagagawa niya dahil hindi naman sila pare-pareho.

Bukod dito, hindi man nabuksan ulit nang mas malalim ang relasyon nila ni Enchong ay naging magkaibigan naman sila at komportable. Walang selosan, walang away, at walang pressure.

“Mas masaya po kami kung anong mayroon sa amin ngayon so ‘yun muna namin ‘yung ini-enjoy namin ngayon,” deklara ni Julia.

Anyway, programmed for a 13-week run ang Muling Buksan Ang Puso, naging very exciting ang naging takbo ng kuwento nito.  Sa panonood namin gabi-gabi ng seryeng ito, walang episode na lumaylay ang story nito. Sabi nga namin, isa ito sa mga teleseryeng napakalabilis ng pacing. Isang gabing ‘di mapanood, you’ll be lost.

Dito rin namin nakita ang pag-level up ng acting nina Enchong, Julia, at Enrique.

At siyempre, ang ‘di matatawarang pagganap ng award-winning cast nito na sina Susan Roces, Pilar Pilapil, Dante Rivero, Cherie Gil, Agot Isidro, at Christopher de Leon.

Nakapag-iwan ng magandang ehemplo ang MBAP na kahit short lang ito sa ere hindi nag-suffer ang quality.

Kudos to ABS-CBN and ‘Dreamscape’for a fab mounting of Muling Buksan Ang Puso. It was a great 13-week run.

Bongga!

Enchong, mala-Christopher de Leon na umarte

PAGKATAPOS makapareha ni Enchong Dee si Julia Montes  (ka-love triangle siEnrique Gil) sa patapos na serye ng ABS-CBN 2 na Muling Buksan Ang Puso sa October 4 ay tinanong siya kung okey lang ba sa kanya na makapartner naman siKathryn Bernardo.

“Si Teen Queen (Kathryn), siguro okey din naman na makatrabaho ko siya. Excited na ako na makatanggap ng maraming hate tweets mula sa  fans nila ni Daniel (Padilla). Pero if it’s a challenge, why not,” tugon ni Enchong na tumatawa.

Marami ang nakakapansin sa ala-Christopher De Leon na acting ni Enchong.

“Sa ‘Muling Buksan ang Puso’, it gave a chance to portray a character na hindi ko pa nagagawa before. I’m happy na nabigyan ako ng ganitong klase ng character. Kung tatanungin ako na hindi ba ako natatakot na ma-cast sa kontrabida, I don’t think so,

“Kasi kung ito ang isa sa mga dahilan kung bakit na-establish ‘yung kung nasaan man ako ngayon, I don’t mind doing it over and over again. Basta alam ko magugustuhan ng tao kung bakit ginawa ko ‘yung isang character,” seryoso pa niyang pahayag.

“Ngayon lang ako nakagawa ng isang teleserye na kapag umuuwi ako ng bahay, matutulog ako na nakangiti. Kasi alam ko maganda ‘yung mga eksena na nagawa ko ng buong araw. Alam ko na naIbigay ko sa director ko ‘yung mga hinihingi ng eksena,” aniya pa.

Nakatrabaho na ni Enchong sina Cherie Gil at Boyet de Leon sa  Muling Buksan ang Puso, gusto raw niyang makatrabaho sa mga beteranong artista sina Joel Torre, Amy Austria, at Bembol Roco.

“Sisiguraduhin ko na kapag nakatrabaho ko sila, storycon pa lang, makikipag-close na ako agad sa kanila. Hihingi ako ng tips at advices kasi sila talaga ‘yung mga alam mo ‘yung tumagal sa showbiz  at alam mo na everytime may project sila, Ibinibigay nila ang the best nila,” sey pa niya.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top