Wednesday , September 17 2025

Kelot, utas sa ex-lover ng utol

PATAY ang isang lalaki matapos  pagbabarilin ng dating lover ng kapatid na babae habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Dead on the spot ang biktimang si Manny Gaballes, 21 anyos ng Sampaguita St., Road 10, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sanhi ng maraming tama ng bala ng kalibre .38 sa katawan.

Agad naaresto ang suspek na si Rommel Tajo, 38-anyos, dating live-in partner ng nakatatandang kapatid na babae ng biktima, residente sa Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod na nahaharap sa kasong murder.

Sa ulat ni PO2 Exequiel  Sangco, may hawak ng kaso, naganap ang insidente  dakong 11:30 ng gabi kamakalawa sa Daisy St., malapit sa bahay ng biktima.

Nagtanim umano ng galit ang suspek sa biktima dahil sa hinalang siya ang dahilan kung bakit iniwan ng kinakasama na sumama sa iba at nagbanta pang may mangyayari sa pamilya nila.

Kamakalawa ng gabi ay nakita ng suspek ang biktima kaya agad kinompronta saka walang sabi-sabing pinagbabaril na naging dahilan ng kamatayan ni Gaballes. (Rommel Sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PCG Coast Guard Gun Rifle

Coast Guard nagbebenta ng baril online timbog

SA PINAIGTING na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms sa buong bansa, isang lalaki …

Alan Peter Cayetano E-Governance Law

E-Governance Law na isinulong ni Cayetano, susi sa mas pinahusay na serbisyong publiko sa bansa

INAASAHANG magkakaroon ng isang digital revolution ang Pilipinas sa pagsasabatas ng E-Governance Law (Republic Act …

DOST 10 Seafarers Hub Cagayan de Oro City

DOST 10 Nakibahagi sa Multi-Agency Coordination Meeting para sa Pagtatatag ng Seafarers Hub sa Cagayan de Oro City

NOONG Agosto 26, 2025, kinatawan ni Engr. Ruel Vincent C. Banal ang DOST-10 sa isang …

DOST COA SET-UP MSMEs

DOST Region 2, COA Visit SET-UP Assisted MSMEs in Quirino

The Department of Science and Technology Regional Office II (DOST RO2), in collaboration with the …

DOST Dayaw ti Agmanman SILNAG Award NSTW

DOST Region 1 Earns Dayaw ti Agmanman SILNAG Award, Unveils NSTW 2025 Highlights

CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION— The Department of Science and Technology Region 1 (DOST …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *