Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / GMA-7 basement nasunog

GMA-7 basement nasunog

UMABOT ng tatlumpung minutong nagliyab ang basement ng GMA Network sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Alas-9:25 ng gabi nang sumiklab ang sunog na posibleng sa maintenance room ng nasabing basement nag-umpisa.

Mabilis namang narespondehan ng Quezon City Fire Department at ABS-CBN fire truck ang sunog.

Ayon kay Fire Supt. Cesar Fernandez, umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naapula alas-9:55 kamakalawa ng gabi.

Wala namang nasaktan sa sunog habang inaalam pa ang halaga ng pinsala nito.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top