Sunday , November 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Napoles inimbita sa Senate pork probe

Napoles inimbita sa Senate pork probe

IPASU-SUBPOENA ng Senate Blue Ribbon committee ang arestadong ne-gosyante na dawit sa P10-billion pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Sen. TG Guingona, chairman ng komite, kailangan na lamang lagdaan ni Senate President Franklin Drilon ang subpoena para maisilbi kay Ginang Napoles.

Nais ng komite na padaluhin si Napoles sa kanilang pagdinig sa pork barrel scandal sa Setyembre 26.

Giit ni Guingona, mahalaga ang pagdalo ni Napoles sa imbestigasyon ng Senado, dahil maraming Filipino ang naghihintay ng kasagutan at maa-aring makapagbigay-linaw sa kontrobersyal na usapin ng pork barrel ang negosyante. (CYNTHIA MARTIN/NINO ACLAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top