Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marian, tinanggihang mag-guest sa GGV

Marian, tinanggihang mag-guest sa GGV

TINANGGIHAN pala ni Marian Rivera ang guesting niya sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda?

Kaya’t nagtataka ang mga taga-GGV kung bakit tumanggi ang aktres gayung napanood naman siya sa Kris TV kasama si Ai Ai delas Alas para sa promo ng Kung Fu Divas at nalaman pa na may scheduled guestings siya Showbiz Inside Report, The Buzz, at Bandila.

Ang paliwanag ni Marian tungkol dito, ”hindi ko naman tinanggihan, siyempre bilang respeto rin sa GMA, huwag namang lahat.

“Kumbaga, roon sa maaari lang ako mag-guest. Example, kay Ate Kris bilang okay ako kay Ate Kris.

“So, thankful ako, kasi ang dami—‘Kris TV’, ‘The Buzz’, ‘S.I.R’., at may ‘Bandila’ pa ako. ‘Yun pa lang, okay na ako. Ang dami!

“Respeto na rin po sa GMA dahil halos lahat ng programa eh, nandoon po ako.”

Paliwanag pa ni Marian na sumulat daw sila ng manager niyang si Mr. Tony Tuviera sa GMA management na kung puwedeng mag-promote siya ng Kung Fu Divas sa ABS-CBN.

“Hindi naman naging mahirap para sa kanilang (GMA) umoo, dahil alam nilang producer ako (Kung Fu Divas), sinusuportahan nila ako,” pagtatapat ng aktres.

At dahil naging maganda ang experience ni Marian sa ABS-CBN ay puring-puri niya ito.

“Masaya ang mga naging experience ko. Kasi, ‘yun nga ang sinasabi ko, na bukod sa masayang experience, natutuwa ako na ginagawa nating posibleng lahat.

“Na hindi porke’t nasa kabilang estasyon ka, eh, hindi ka maaaring makadayo sa kabilang estasyon. Parang nawawala, napuputol ang rivalry ng dalawa.

“Although, alam naman natin na siyempre, kailangan ng kompitensiya. Pero dahil sa nangyayaring ito, ang saya.

“Ang saya rin bilang isang artista na ‘yung mga artista ng GMA, maaaring dumayo ng ABS para ma-experience rin nila,” kuwento pa.

Samantala, kasama rin sa Kung Fu Divas sina Ms. Nova Villa, Edward Mendez, Bianca Manalo, Councilor Roderick Paulate, Precious Lara Quigaman, at Ms. Gloria Diaz mula sa direksiyon ni Onat Diaz mula sa Reality Films at Star Cinema.

 

Potato chips from Marian, pampaalis-lungkot ni Ai Ai

NAGKASABAY palang ginagawa ni Ai Ai de las Alas ang shooting ng Kung Fu Divas at ang pagsampa ng kaso niya laban sa asawang si Jed Salang kaya kapag naaalala raw niya ito ay naiiyak siya sa set ng pelikula.

Inamin ni Ms A na alam lahat ng co-star niyang si Marian Rivera ang pinagdaraanan niya ng mga panahong iyon.

Natatawang kuwento nga ni Ai Ai, ”kag nakikita niyang (Marian) naluluha-luha ako, binibigyan niya ako ng potato chips, ha, ha, ha, ‘yun lang katapat ko, potato chips, okay na ‘yun sa akin,” ito ang tumatawang sabi ng komedyana.

At dahil malapit ng matapos ang kaso ay tapos na bang umiyak ang isang Ai Ai de las Alas?

“Ayokong maging plastic, may mga time pa rin kapag naiisip ko, naaalala ko naiiyak ako. Siyempre hindi naman agad-agad ‘yun kasi medyo malalim ‘to kasi nag-asawa ako, eh.

“Hindi naman ‘to syotaan lang or any relationship lang, it’s marriage, eh. Hindi na nag-work out kaya medyo malalim ‘yung sugat sa akin at alam ko na balang araw, I’ll move on,” pahayag ng comedy queen.

Pinatawad na ba ni Ai Ai ang asawang si Jed?

“Ah, papunta na tayo at nagdarasal pa rin ako,” say niya.

Ang ikinaaasar ni Ai Ai ay nang idamay ng abogado ni Jed na tinutulungan daw siya niPresidente Noynoy Aquino sa kaso niya na naging dahilan para magalit ang Malakanyang sa nag-iisang Comedy Queen.

“Oo nga, eh, humihingi ako ng paumanhin para sa sarili ko kasi nakakahiya sa Presidente, nakakahiya sa Malakanyang na pati ‘yung mga pangalan nila nadadawit sa domestic problem namin ng husband ko, eh, mali ‘yun.

“Sabi ko nga, next time na magsasalita sana ‘yung lawyer niya, sana isipin niya na ‘yung kliyente niya ay may gag order na lahat kami ay may gag order na anything hindi kami puwedeng magsalita, ako ingat na ingat ako magsalita about that and maling-mali talaga ‘yun.

“Anytime na gusto niyang (abogado ni Jed) magpa-interview, magdasal na lang siya para sa mga kababayan o sa mga tao sa Zamboanga (City) para hindi ka makapagsalita ng hindi maganda kasi ang dami ng problema ng Malakanyang, ang dami ng problema ng ating Presidente, bakit pa naman ako dadagdag. Nakatatawa naman ‘yun, nakatatawang nakaaasar, ‘di ba?” naiiling na sabi pa.

Sundot pa ng komedyana, ”alangang isipin pa ni Presidente ang lovelife ko, lovelife nga ni friendship (Kris Aquino) hindi niya iniisip, lovelife ko pa ba, ha, ha, ha.”

At muling klinaro ni Ai Ai na hindi miyembro ng PSG ang mga guwardiyang nagbabantay sa kanya kundi PNP.

“’Yung mga kasama ko is PNP, ako nagpapasuweldo roon, hindi ako nagnanakaw sa bayan, hellooo? Hindi! At part ‘yun para sa proteksiyon ko sa sarili ko at ako ang nagbabayad doon. Siyempre naman, bakit ko naman (iaasa sa gobyerno), problema ko ‘to, eh. Bakit ko sila isasali (gobyerno).

“Kaya roon sa lawyer niya (Jed), dapat unang-una huwag mong ipahamak ang kliyente mo, ‘di ba nakatatawa naman,” pagtatapos ni Miss A.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top