Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Magkakaroon ng magandang kapalit ang iyong pagiging matulungin.

Taurus  (May 13-June 21) Malilinawan ka ukol sa mga nangyayari kapag narinig na ang paliwanag ng bawat panig.

Gemini  (June 21-July 20) Magkakaroon ng salto sa signal ng komunikasyon kaya maaaring hindi ka nila maunawaan.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Ano man ang iyong ginagawa ay dapat na hindi nawawala ang ngiti sa iyong labi.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Ramdam mo ang pagragasa ng mga ideya sa iyong isipan. Gamitin ito sa kapakinabangan.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Matutong tumanggi sa mga hiling maliban na lamang kung kailangan talaga itong tuparin.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Maaari pa kayang magbago ang iyong desisyon bagama’t naninindigan na ang iba.

Scorpio  (Nov. 23-29) Mainam ang sandali ngayon sa pagsasa-katuparan ng mga plano.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Lawakan pa ang iyong pagpaplano para sa susunod mong magiging malaking hak-bang.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Bunsod ng iyong karamdaman, mami-miss mo ang iyong mga kaibigan.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Nakaharap ka sa pagdedesisyon, ito ay sa pagitan ng awa sa iba o interest para sa sarili.

Pisces  (March 11-April 18) Mayroon kang kaibigan na handang tumulong sa iyo, bagama’t inaakala mong hindi mo kailangan ng tulong ngayon.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ipinakikita mo sa mga mahal sa buhay ang kanilang halaga sa iyo kaya naman importante ka rin sa kanila.

Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top