Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dingdong, deserving sa titulong Primetime King

Dingdong, deserving sa titulong Primetime King

HOW very reassuring of Dingdong Dantes to have proudly declared—sa umeere nang plug sa GMA—na mananatili siyang Kapuso.

But what struck as the most ay ang pagbansag sa kanya bilang Primetime King ng estasyon, not because we feel that he doesn’t deserve the title. In fact, hands down kami sa pagiging PK ni Dingdong based on his long years of stay with GMA, the quality and variety of his TV projects and his work ethic that all make him a true-blue Kapuso.

We would want though to play around with “what ifs.” What if kung mayroong umeereng programa ang mahigpit na “karibal” ni Dingdong sa titulong PK na si Richard Gutierrez? Would GMA still confer the title upon Dingdong bilang kortesiya kay Richard?

Anyway, without sparking an intrigue between the two of them, mas deserving naman si Dingdong, and the rest in the network are princes, earls, barons, dukes, counts at kung ano-ano pang inferior royal title.

Osang, idinadawit

si Bong sa pagkatalo niya sa kasong isinampa ng GMA

THE first to react si Lolit Solis after her erstwhile ward Rosanna Roces posted on her Facebook account her implication of Senator Bong Revilla in her case against GMA.

Guilty ang naging hatol kay Osang ng Quezon RTC Branch 216 para sa kasong breach of contract na isinampa ng GMA laban sa kanya in 2005.

September 14 episode ng Startalk nang umere ang feature lifted from an article on a web site. Ayon kay Osang, ikinagulat daw niya ang balita, yet kung puwede raw bang si Sen. Bong ang magbayad ng danyos (at least ‘yung liquidated damages of P1.5 M).

Tigas niyang sinabi na bakit daw siya magbabayad considering na civil case lang daw ‘yon?

With Bong’s name being dragged by Osang, nag-react si ‘Nay Lolit sa kanyang kolum (hindi rito sa Hataw), saying that the latter should even be thankful sa maayos na pag-aalaga ng senador sa kanilang apong si Gab (whose parents are Osang’s daughter Grace and Jolo Revilla).

‘Nay Lolit went as far as questioning Osang’s source ng pambayad sa kabuuang halagang hinihingi ng korte, which is P2-M, gayong wala itong regular na trabaho.

It is with much regret na si Sen. Bong—na lugmok ngayon sa kanyang kinakaharap na problema kaugnay ng pagkakadawit sa kanya sa pork barrel scam—is now the target of Osang’s innuendoes.

Furthermore, halatang diversionary tactics ang ginagawa ni Osang para malusutan ang kanyang kaso.

Here’s hoping na magkaroon naman ng enlightenment si Osang.

Malaking aral na dapat sa kanya ang kinahinatnan ng kanyang buhay:  from rags-to-riches-rags.

Marian, masusundan pa ang paggawa ng movie sa Star Cinema

AFTER her boyfriend Dingdong Dantes, it’s Marian Rivera’s turn to cross over Star Cinema via the movie Kung Fu Divas. Tulad ni Dingdong in his previous movies produced by ABS-CBN’s film arm, pinasok din ni Marian ang pagpoprodyus ng naturang pelikula alongside Ai Ai de las.

Naranasan ni Marian ang magandang trato sa kanya ng Star Cinema, add to this ay ang magandang working relationship nila ni Ai Ai that goes beyond billing na ayon nga sa binansagang Primetime Queen ng  GMA has never been an issue.

Their professional work has brought them close to each other, in fact, may tenga si Marian para makinig sa mga kuwentong pag-ibig na ibinabahagi ni Ai Ai. But according to Marian, she’s not in a position to offer advice to the Comedy Concert Queen.

Ang tanong:  for sure, just like in Dingdong’s case ay masusundan pa ang paggawa ni Marian ng mga pelikula under Star Cinema, but will it only be good as three movies at the most? Will GMA allow its prized possession na pakinabangan ng ibang estasyon, kumbaga, ang GMA ang nagtanim pero ang ABS-CBN ang umani?

Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top