Monday , March 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / PNoy ‘missing in action’ sa Zambo siege

PNoy ‘missing in action’ sa Zambo siege

“MISSING in action” si Pangulong Benigno Aquino III mula pa noong nakalipas na Linggo, Setyembre 15.

Ito ang naging puna ng publiko makaraang huling magpakita sa publiko si Pangulong Aquino noon pang nakaraang Sabado, Setyembre 14, nang bisitahin ang mga tropa ng pamahalaan sa Zamboanga City.

Kinompirma naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi pa rin umaalis sa Zamboanga City ang Pangulo mula nang dumating sa siyudad noong nakaraang Biyernes ngunit ayaw niyang tukuyin ang eksaktong lugar kung saan nananatili ang Punong Ehekutibo.

May mga ulat na ang Pangulo ay nagpunta sa Malaysia, Davao at maging sa kampo ng U.S. Joint Special Operations Task Force-Philippines (JSOTF-P) sa Zamboanga City.

“He is in Zamboanga City. As to his exact location, we are not at liberty to disclose. Well, he’s doing something else. As to what he is doing, that’s something we are not also at liberty to discuss,” ani Lacierda.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top