Sunday , September 14 2025

Nouri tampok sa Hong Kong Open Chess

MATAPOS ang magandang performance sa 10th Malaysian Chess Festival 2013 na ginanap sa five-star Mid Valley Hotel in Kuala Lumpur, Malaysia nitong nakaraang buwan nang kunin ang coveted gold medal, ang young Filipino at World Youngest Fide Master Alekhine Nouri ay makikipagtagisan ng talino kontra sa world renowned players sa Hong Kong International Open Chess Championships 2013.

Ang Hong Kong International Open Chess Championships 2013, ay isang elite event na nakalista sa Fide calendar at gaganapin sa Convocation Room, Main Building room 218, The University of Hongkong, Pok Fu Lam Road, Hongkong mula Setyembre  27 hanggang Oktubre 1.

Ang kanyang butihing ama na si Fide Master Hamed Nouri, ay ipinangalan ang Alekhine mula kay great world champion Alexander Alekhine, isa sa best ever player na naglaro ng sport ng chess.

Si Alekhine na grade one pupil ng FEU-FERN College sa Quezon City ay tubong Escalante City, Negros Occidental at kasalukuyang nakabase sa Taguig City.

Ang kampanya ni Alekhine sa Hongkong International Open Chess Championships ay suportado nina Bayan Muna party-list representative Neri Javier Colmenares, NCFP Chairman/President Prospero “Butch” Pichay Jr., Secretary-General Cavite 7th district Rep. Abraham “Bambol” Tolentino Jr. and Executive Director GM Jayson Gonzales, FEU-FERN College in Quezon City, the Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at former Cagayan de Oro no.1 chess player Senator Aquilino “Koko” Pimentel III.

(Lovely Icao)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC Pato Gregorio Ayala MVP Alfredo Panlilio

Pinagtibay na Pundasyon para sa Palakasan sa Pilipinas: Pagsasanib-Puwersa ng MVP at Ayala Group

LUBOS ang pasasalamat ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Pato Gregorio sa pagsasapormal ng kasunduan …

Alas Pilipinas FIVB Volleyball Mens World Championship

Alas Pilipinas handa na sa FIVB Volleyball Men’s World Championship

HANDANG-HANDA na ang Alas Pilipinas para sa pagsabak sa FIVB Volleyball Men’s World Championship na …

AVC PNVF Tats Suzara PSC Pato Gregorio Somporn Chaibangyang Thana Chaiprasit FIVB Fabio Azevedo

Sentro ng pandaigdigang volleyball umuugong sa Southeast Asia

UMUUGONG ang sentro ng pandaigdigang volleyball sa Southeast Asia kasabay ng inagurasyon nitong Biyernes ng …

Roll Ball PRBA Tony Ortega

Roll Ball National Team Try-Outs ikinasa para sa pandaigdigang torneo

HINIHIKAYAT ang mga kabataang atletang interesado sa larong Roll Ball o kompetisyong maihahalintulad sa basketball …

Shakeys Super League SSLv Volleyball

NU handang depensahan ang titulo sa 2025 SSL Preseason Unity Cup

IDEDEPENSA ng National University (NU) ang kanilang titulo sa 2025 Shakey’s Super League (SSL) Preseason …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *