Wednesday , May 15 2024

Draft ng PBA D League gagawin bukas

TULOY na bukas ang kaunaunahang Rookie Draft ng PBA Developmental League na gagawin sa opisina ng liga sa Libis, Lungsod ng Quezon.

Kasali sa drafting ang 143 na manlalaro na nagpalista rito sa pangunguna ni Chris Banchero, ang point guard ng San  Miguel Beer na nagkampeon sa ASEAN Basketball League noong Hunyo.

Kasama rin sa drafting ang anak ni dating PBA MVP Bogs Adornado na si Jose Marie Adornado at ang anak naman ni Nelson Asaytono na si Jerrold Nielsen Asaytono.

Unang pipili sa drafting ang Cafe France, kasunod ang Cebuana Lhuillier, Boracay Rum, Big Chill, Blackwater Sports, NLEX, Cagayan Valley, Hogs Breath Cafe at Jumbo Plastic.

Pakay ng Cafe France na kunin si Banchero ngunit mas gusto niyang maglaro sa Blackwater at sisikapin ng Elite na magkaroon ng trade para kunin ang kanyang serbisyo.

Magsisimula ang drafting sa alas-2 ng hapon.

Hahataw ang 2013-14 season ng PBA D League sa Oktubre 24 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagdesisyon ang PBA na magkaroon ng drafting ang D League para balansehin ang kompetisyon dulot ng pag-domina ng NLEX sa liga.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Arbiter Alfredo Chay Martin Binky Gaticales

Ika-4 na Edisyon ng PH Chess Hall of Fame Rapid Tournament nakatakda sa 11 Mayo

SUSUBUKAN na naman ng “cream of the crop” sa Metropolis chess ang pagtatagisan ng isipan …

QUEEN LAUREN Terry Capistrano John Cabang Reli de Leon PATAFA

Dela Cruz ginto sa men’s 10,000-meter walk

BINUKSAN ni Vincent Vianmar Dela Cruz ng University of the East ang Day 2 ng …

TOPS PSC PAI Chito Rivera Nicola Queen Diamante Patricia Mae Santor

Liderato ng PAI kinilala ng international community

PATULOY ang pagkilala ng international community sa liderato ng Philippine Aquatics, inc. (PAI) na ayon …

PATAFA Terry Capistrano John Cabang

Filipino sprinter John Cabang muling nagtakda ng PH record

IPINAKITA ng Filipino sprinter na si John Cabang na siya ay nangunguna sa tamang panahon …

Ubas nangangamoy Paris Olympic

GAYA ng inaasahan, nagpakitang gilas si Janry Ubas matapos makopo ang 10-15 Olympic qualifying points …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *