Thursday , August 28 2025

Aerial assault inilunsad vs MNLF

ZAMBOANGA CITY – Sa unang pagkakataon, gumamit ng air asset ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kani-lang operasyon laban sa Moro National Liberation Front (MNLF) fighters na nagkakanlong pa rin sa ilang barangay sa Zamboanga City.

Napag-alamang da-lawang MG-520 attack helicopters ng Philippine Air Force (PAF) ang umatake sa posisyon ng MNLF Misuari faction.

Ang hakbang ng PAF ay kasunod ng deklaras-yon ng AFP na pagpa-patupad ng calibrated military operations sa ika-walong araw ng standoff kahapon.

Una rito, maaga pa lamang kahapon muli na namang binulabog ng matinding putukan ang mga residente ng Zamboanga mula sa tropa ng pamahalaan at MNLF fighters.

Umalingangaw ang putukan dakong 5:30 a.m. at pasado 7 a.m. narinig na naman ang heavy gunfire sa mag-kabilang panig.

Sinasabing kabilang sa putukan ay mula sa sniper fire ng mga nakaposisyong MNLF forces at mula sa mortar.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jose Antonio Goitia Gilberto Teodoro

Katotohanan kinatatakutan ng Tsina
West Philippine Sea, atin — Dr. Goitia

PARA kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang dokumentaryong “Food Delivery: Fresh from the …

Arrest Posas Handcuff

Puganteng most wanted rapist ng Bicol natunton sa Bataan

MATAGUMPAY na naaresto ng magkatuwang na mga operatiba ng Police Regional Office 3 (PRO3) at …

Clark Pampanga

Sa Clark, Pampanga
3 suspek sa pagdukot sa 2 dayuhan timbog sa Pampanga

INARESTO ng pulisya ang tatlong lalaki sa Clark Freeport at Special Economic Zone, sa lungsod …

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

4 tulak dinakma sa Gapan, NE
P1.2-M shabu, 2 loose firearms nasabat

NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P1.2-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu at dalawang loose …

Warrant of Arrest

Sa Bulacan
Bebot timbog sa 13 warrant of arrest

ARESTADO ang isang babaeng sinampahan ng patong-patong na kasong kriminal at kabilang sa most wanted …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *