Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Mitchell sinibak na ng TNT

Mitchell sinibak na ng TNT

TULUYANG pinauwi na ng Talk ‘n Text ang buwaya nilang import na si Tony Mitchell.

Kinompirma ni Tropang Texters coach Norman Black ang pagdating ng kapalit ni Mitchell na si Courtney Fells ng North Carolina State noong Sabado.

Ayon kay Black, mas mahusay si Fells sa depensa kaya sinibak na ng TNT si Mitchell.

“Courtney just arrived. We didn’t announce our import change yet because we’re not sure at that time if he’ll come,” ayon kay Black. “At NC State, Courtney is an all-defensive player two years in a row so hopefully, he could help us.”

Kagagaling lang si Fells sa Boston Celtics sa katatapos na NBA Summer League kung saan nag-average siya ng 7.2 puntos, 1.8 rebounds at 1.6 na agaw bawat laro.

Lalaro na si Fells sa susunod na asignatura ng TNT kontra Rain or Shine sa Miyerkoles. (James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top