Thursday , August 28 2025

SMB kakalas na sa ABL

MALAKI ang posibilidad na hindi na sasali ang San Miguel Beer sa susunod na season ng ASEAN Basketball League na magsisimula sa Enero 2014.

Isang opisyal ng San Miguel Corporation na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagsabing nais ng pangulo ng kompanya na si Ramon S. Ang na bigyang-pansin na lang ang tatlong koponan nito sa Philippine Basketball Association na Petron Blaze, San Mig Coffee at Barangay Ginebra San Miguel.

Bukod dito, wala na sa sports department ng SMC si Noli Eala na isa sa mga tumulong na makapasok ang Beermen sa ABL.

Nalaman din na ayaw ng SMC na tumagal sa ABL at bayaran ang 13 milyon bilang membership fee.

Nagkampeon ang Beermen sa ABL noong Hunyo nang winalis nila sa finals ang Indonesia Warriors.

Kung aalis ang SMB sa ABL ay wala nang koponang Pinoy ang matitira sa liga dahil naunang umatras ang Philippine Patriots na ang may-ari’y si Mikee Romero ay nasa PBA na bilang may-ari ng Globalport Batang Pier.

Balik-PBA na ang 2013 ABL MVP na si Asi Taulava na lalaro na para sa Air21 samantalang si Chris Banchero naman ay nagpalista sa rookie draft ng PBA D League.

Ang pag-atras ng SMB sa ABL ay ang dahilan kung bakit ayaw na itong sumali sa FIBA Asia Champions Cup na gagawin sa Amman, Jordan mula Setyembre 13 hanggang 21.

Hindi na rin sasali sa Champions Cup ang Gilas Pilipinas ni coach Chot Reyes dahil kapos na sila sa panahon, ayon sa team manager ng national team na si Butch Antonio.

Samantala, determinado ang Cafe France na kunin si Banchero bilang top pick sa rookie draft ng PBA D League sa Setyembre 19.

“After ng management meeting, ang no. 1 option namin is to draft Chris Banchero. So if na-draft na namin siya, we don’t plan to trade him,” wika ni Bakers coach Egay Macaraya. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kayla Sanchez Buhain

Sanchez nanguna sa pagsisimula ng National Swimming Tryouts

PINANGUNAHAN ni Olympian Kayla Sanchez ang mga batikang campaigner habang agaw atensyon ang bagong salang …

Wassim Ben Tara Tunisia FIVB

Star player Tara ‘di makalalaro
Tunisia unang katunggali ng Alas Pilipinas sa FIVB Worlds

MAKAKAHARAP ng Alas Pilipinas ang powerhouse mula Africa na Tunisia sa unang araw ng 2025 …

Bukidnon Sports Complex, Ideal na Lugar para sa Pagsasanay ng mga Pambansang Boksingero

Bukidnon Sports Complex, Ideal na Lugar para sa Pagsasanay ng mga Pambansang Boksingero

ITINURING ng Philippine Sports Commission (PSC) ang isang ideal na lugar para sa pagsasanay ng …

Set Na Natin To PNVF

“Set Na Natin ’To” Trophy at Mascot Tour, bibisita sa Laoag ngayong Sabado

ISANG mini-tournament na lalahukan ng apat na koponan mula sa Ilocos Norte ang sasalubong sa …

Regional National Training Centers para sa grassroots sports itinutulak ng PSC

Regional National Training Centers para sa grassroots sports itinutulak ng PSC

DETERMINADO si Philipine Sports Commision (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio na maitatak ang kanyang pamana …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *