Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Presente Kampeon sa CSANPRISA Chess

Presente Kampeon sa CSANPRISA Chess

TINANGHAL na kampeon sa pang apat na pagkakataon si Juan Carlos M. Presente ng San Jose Academy of Bulacan (SJAB) sa katatapos na  City of San Jose del Monte Private Schools Association (CSANPRISA) Chess Tournament High School division na ginanap noong Agosto 26, 2013 sa Faculty Room ng Christian Eccelastical School (CES) sa San Jose del Monte, Bulacan.

Nakamit niya ang Gold Medal sa High School division board 1 matapos niyang daigin si Van Kampin Luzon ng La Concepcion College (LCC) sa finals.  Si Presente, ipinagmamalaki ng Novelty Novaliches Chess Club, ang nakakuha ng Gold Medal sa mga nakaraang edisyon ng PRISCA Meet 2010, (CSANPRISA) Meet, 2010, 2011 at 2012 edisyon.

Samantala nauwi naman ni Van Kampin ang Silver Medal sa Board 1 matapos siyang lumusot sa play off kontra kay Joemarie Resurrecion ng Colegio de San Gabriel Arcangel (CDSGA) sa Board 2. Tumapos lamang si Resurrecion sa Bronze Medal.

(Lovely Icao)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top