Monday , April 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mutya Datul, wagi sa Miss Supranational 2013

Mutya Datul, wagi sa Miss Supranational 2013

NAIYAK si Mutya Datul matapos na ideklarang siya ang nagwagi sa katatapos na Miss Supranational 2013.

Tinalo ni Mutya ang iba pang 82 candidates mula sa iba’t ibang bansa. Ginanap ang coronation night sa Minsk, Belarus.

Samantala ang kapwa Pinay na si Miss Canada Suzette Hernandez, ay nakasama naman din sa Top 20.

Itinanghal namang 4th RUNNER UP ang kandidata mula US Virgin Islands; 3rd RUNNER UP ang Indonesia; 2nd RUNNER UP ang Turkey; at 1st RUNNER UP ang Mexico.

Bukod sa Miss Supranational 2013, napanalunan din ni Mutya ang special awards na Miss Personality. Nakasama naman niya sa Top 20 ang mga kandidatang mula sa mga bansang Venezuela, Puerto Rico, Australia, Poland, Gabon, Canada,Thailand, Indonesia, US Virgin Islands, Luxembourg, India, Mexico, Myanmar, Belarus, Philippines, Russia, Latvia, Brazil, Turkey, at Ukraine.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top