Monday , April 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Eat Bulaga!, marami nang pagsubok na pinagdaanan

Eat Bulaga!, marami nang pagsubok na pinagdaanan

MAGKAKASUNOD ANG mga isyung kinakaharap ngayon ng TAPE, Inc., ang kompanyang pag-aari ni Mr. Tony Tuviera.

Nauna nang kumalat ang sex video scandal sangkot ang host ng Eat Bulaga! na si Wally Bayola at ng EB babe na si Yosh. Still reeling from this issue, yet another hurdle ang bumulaga kay Mr. T: ang reklamong mismong nag-ugat sa MTRCB na inalmahan ang August episode ng Eat Bulaga at ang July episode naman ng The Ryzza Mae Show.

Nitong September 5, nakipagmiting na ang TAPE, Inc. sa MTRCB sa itinakda nitong mandandong pagpapaliwanag sa anito’y child-unfriendly na nilalaman ng dalawang episode.

Kung tutuusin, more than Wally’s involvement in the sex video scandal, madali namang resolbahin ng TAPE, Inc. ang naganap sa EB at sa show ni Ryzza Mae.

Eat Bulaga—for all its more than three decades in existence—is big enough to handle a small problem. Without pandering (read: pagsisipsip), marami nang mga pagsubok ang pinagdaanan ng EB yet it has stood strong, firm and invincible.

Samantala, the disciplinary action na ipinatupad sa kaso ni Wally is now in place, short of saying na “banned” muna siya sa Eat Bulaga. Which is but a wise decision sa parte ng TAPE, Inc. pending resolution of the case as to how that literally f…king sex video has gone around.

Ynez, bakit inililihim ang taong pinag-bilhan ng multi-million niyang house and lot?

MID-90’s nang makilala namin ang ama ni Ynez Veneracion, umuupa lang ito ng kuwarto katabi ng singer na si Black Jack somewhere in Fort Bonifacio, Makati City.

Hindi masasabing nasa slums area ang location ni Tatay Ricky, pero maano ba namang noong panahong ‘yon ay ilipat siya ni Ynez (Sheryl, in real life) sa mas maayos-ayos na lugar to think na sikat na siya noon?

Fast forward. Ynez now owns a multi-million peso worth of house and lot, na kanyang nilipatan mula sa isang bahay daw na malapit sa squatters’ area. Dream house raw niyang matatawag ang kanyang bagong tahanan.

But there’s more to her revelation. Nabili raw niya ang millions-worth na ari-ariang ‘yon mula sa kanyang dugo’t pawis sa pagtatrabaho sa Dubai. The rest ay katas daw ng kanyang mga show sa TV.

Wala namang kumukuwestiyon kung paanong sa mga pinagsama-sama  niyang kita sa Dubai at sa kanyang mga TV show ang ipinambili niya ng property na ‘yon.

Nakaiintriga lang kung kanino nakipagsara si Ynez ng deal para mabili ang bahay na ‘yon. Totoo nga bang nabili niya ‘yon mula sa kanyang dating nobyong si Mon Confiado?

If so, bakit inililihim ni Ynez ang taong pinagbilhan niya, gayong hindi naman iba sa kanya si Mon na naka-live in niya nang matagal na panahon?

Ayon sa aming source, ”Ayaw ni ‘M’ ng ganyan!”.

Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top