Monday , April 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dawn Zulueta puring-puri ng mister na si Congressman Anton Lagdameo

Dawn Zulueta puring-puri ng mister na si Congressman Anton Lagdameo

SA RECENT interview kay Davao Cong. Anton Lagdameo ay pinuri-puri niya ang sobrang kabaitan at pagiging simple ng kanyang misis na si Dawn Zulueta. Sey ng medyo chubby pero guwaping na kongresista, hindi kailanman pinagbago ng kasikatan niya si Dawn. Kapag nasa bahay raw ay talagang plain housewife at alagang-alaga siya at ang dalawa nilang anak. Hindi rin daw iniaasa ni  Dawn ang lahat ng mga gawing bahay sa mga kasambahay nila kundi tumutulong rin at personal ang pag-aasikaso sa kanilang kids. Sa isyu naman ng selos sa mga leading men ni Dawn sa TV o pelikula partikular na ang original na kalabtim ng actress na si Richard Gomez, sagot ng politikong businessman, never raw na nangyari na may pinagselosan siya na pinag-awayan nila ng misis na actress.

Simula’t sapol alam na raw niya ang trabaho ng kabiyak kaya naiintindihan niya kapag may kissing scene si Dawn na mild lang naman. Pagdating naman sa politics kung papasok rin ba si Dawn sa mundong ito lalo pa’t marami ang nagmamahal sa kanya? Say ni Cong. Lagdameo mukhang wala pa sa isipan ng mother ng kanyang mga anak na pasukin ang nasabing field. Samantala, masayang-masaya si Dawn at Gerald Anderson at buong  cast ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” kasama ng buong production team ng Dreamscape Entertainment Television dahil kaka-ere pa lang ng kanilang teleserye ay pumalo na sa mataas na ratings at gabi-gabing nakatutok ang kanilang fans. Mapapanood ang “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” sa Primetime Bida ng Kapamilya network pagkatapos ng “Muling Buksan Ang Puso.”

Tyrone Oneza,

Pabongga Nang Pabongga

Ang Career

Isa kami sa natutuwa para kay comebacking singer-actor na si Tyrone Oneza. Kasi compared sa career noong 90s na nakagawa lang ng maliliit na project, ngayong 2013 sa pagbabalik ni Tyrone ay mas bomongga siya in terms of shows na pawang malalaki at big hit talaga. Yes, sunod-sunod ang mga show ng nasabing singer na kilala at pinagkakagulohan rin sa Barcelona, Spain. After ng kanyang SRO concert sa Cowboy Grill last month, na hindi lang pinalakpakan ang fabulous performance ni Tyrone kundi pinagkagulohan siya ng fans na talagang nag-effort magpunta sa kabila ng masamang panahon dahil sa bagyong Maring. Nakasama ng hunk singer ang Kapamilya at Kapuso heartthrobs na sina Richard Yap at Alden Richards at Jose at Wally sa very successful sa Zirkoh na “Men Of Reel.” Ito pa makakasama na rin ni Tyrone ang ating Comedy Concert and Box Office Queen na si Ms. AiAi de las Alas sa special concert nila sa Singapore titled “Ang Tanging Show N’yo!” Gaganapin ‘yan sa October 6, 2013 sa Kallang Theater (near Stadium MRT). Gate will opens at 11 am to 6 pm, showtime is scheduled at 1:00 pm. Sa lahat ng mga tagahanga’t supporter ni Tyrone, abangan ang kanyang ilalabas na newest album under hit maker Vehnee Saturno. Pawang magaganda ang tracks sa album kaya tiyak magugustohan ng lahat.

NEVER-BEFORE-SEEN SCENES

NI “JUAN DELA CRUZ,”

MAPAPANOOD SA HULING LINGGO NG “MY LITTLE JUAN”

Masasaksihan na ang never-before-seen scenes ng No.1 primetime superhero telesyere na “Juan dela Cruz” sa huling mga episode ng afternoon series na “My Little Juan” na magtatapos na sa Setyembre 13 (Biyernes). Sa kabila ng pagkamatay ng aswang na si Margie (Wendy Valdez), hindi pa rin matatakasan nina Fr. Cito (Jaime Fabregas) at Juan (Izzy Canillo) ang nakaambang panganib sa kanilang buhay lalo na ngayong maisasakatuparan na ang masasamang pangitain ni Lola Belen (Gina Pareño).

Ano ba ang mga tunay na naganap bago napaslang si Fr. Cito? Paano mababago ang buhay ng batang Juan sa pagpanaw ng kaisa-isang tao na kinikilala niyang magulang? Huwag palampasin ang pagtatapos ng simula ng kwento ni Juan dela Cruz sa huling dalawang linggo ng “My Little Juan,” 3:00 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top