Friday , September 19 2025

Napoles pakantahin — Miriam

INIHAYAG ni Senadora Miriam Defensor-Santiago na dapat nang isulat ni Janet Lim Napoles ang kanyang testimonya kaugnay sa pork barrel scam bago may masamang mangyari sa akusado.

“Any adverse event could prevent Napoles from fully identifying the senators and congressmen with whom she had PDAF transactions. For example, any of the suspects could hire operatives to silence her, or she might inflict physical damage on herself. She might contract a life-threatening ailment. For any of these reasons, the Rules of Court allows her to give her testimony well before trial,” pahayag ni  Santiago.

Aniya, ang prosesong ito ay tinatawag na “perpetuation of testimony,” na pinahihintulutan ang pagpreserba sa testimonya habang hindi pa ginaganap ang paglilitis.

Aniya, ang ganitong uri ng deposisyon ay bahagi ng pretrial phase.

“If Napoles decides to perpetuate her testimony in order to reduce the level of threats to her security, she has to file a verified petition in court,” aniya pa.

Sa nasabing petisyon ay dapat nakasaad ang pangalan ng mga tao na sinasabi ni Napoles na nag-transfer ng pork funds, ayon sa senador.

“It can reasonably be expected that Napoles will name the senators and representatives as expected adverse parties. The Rules require her to serve notice at least 20 days before the date of hearing.” (HNT)

SPECIAL TREATMENT INAMIN NI ROXAS

AMINADO si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na nagkaroon ng special treatment kay Janet Lim-Napoles, ang mastermind ng multi-billion peso pork barrel scam na kinasasangkutan ng ilang senador at kongresista.

Inihayag ito ni Roxas sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Senado ukol sa panukalang budget ng DILG.

Binigyang-linaw ni Roxas  na kung nagbigay man sila ng special treatment kay Napoles ay hindi dahil VIP siya kundi upang matiyak ang kanyang kaligtasan sa layunin na masagot niya ang kanyang kaso sa harap ng mga impormasyon na maraming nalalaman sa maanomalyang paglustay ng bilyon-bilyong pisong halaga ng pork barrel ng mga mambabatas.

“Itong mga so called special treatment, VIP treatment, nangyayari ito hindi dahil sa siya (Napoles) ay VIP, nangyayari ito dahil nais ng gobyerno na buhay siya para maharap ang buong proseso ng paglilitis,” ani Roxas.

Ibinunyag pa ni Roxas na mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nag-utos na tiyakin ang kaligtasan ni Napoles dahil tiyak na ang gobyerno ang sisisihin at maaaring pagbintangan kapag may nangyaring masama sa akusado.

(NIÑO ACLAN/

CYNTHIA MARTIN)

JANET DUMANAS NG ANXIETY ATTACK

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na nasa maayos nang kalagayan ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles matapos makaranas ng “anxiety attack” kahapon ng umaga sa loob ng kanyang detention cell sa Fort Santo Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Ayon kay PNP spokesman S/Supt. Ruben Theodore Sindac, bukod sa sakit na diabetes mayroon din “claustrophobic disorder” si Napoles at hindi sanay sa isang maliit at saradong area.

Napag-alaman na ang detention facility ni Napoles ay may sukat na 82.4 square meters at napapalibutan ng rehas ang mga bintana, pintuan at maging ang kisame ng gusali.

Batay sa pagsusuri ng mga doktor, bumagsak sa 40 milligrams per deciliter ang sugar level at tumaas sa 180/150 ang blood pressure ng akusado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ICI Independent Commission for Infrastructure

Senado at Kongreso, pinabibitiw sa imbestigasyon
7 SA 10 PINOY, MAS TIWALA SA INDEPENDENT COMMISSION

PITO sa bawat 10 Filipino ang gustong magpaubaya ang Senado at kongreso sa independent commission …

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas …

Arrest Shabu

Lolang tulak, 4 galamay timbog sa Subic raid

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lola at apat niyang kasabwat sa isinagawang drug entrapment …

PUSO ng NAIA Misa para sa apela

Misa para sa apela!

NAGSAGAWA ng misa ang Simbahang Katoliko kasama ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *