Thursday , May 2 2024

Jiggy Manicad nanawagan ng hazard, overtime pay para sa media ngayong kampanya

NANAWAGAN ang batikang broadcast journalist at kandidato sa Senado na si Jiggy Manicad na mabigyan nang higit na kabayaran lalo ang mga miyembro ng media na mag-o-overtime at mapu­punta sa mga delikadong lugar.

“Marami pa sa amin na walang overtime pay at walang hazard pay kahit minsa’y ilang araw kaming nasa isang lugar at hindi makaalis o kahit na nalalagay ang buhay namin sa peligro,” ibinahagi ni Manicad sa isang panayam.

Ayon sa mamamaha­yag, na dati nang nasugatan sa EDSA III at ipinadala sa Typhoon Yolanda at Ondoy, dapat tutukan ng pamaha­laan ang karapatan ng mga reporter lalo na’t dapat magsilbing modelo ang industriya ng media para sa ibang kompanya.

“Dapat lang tingnan natin ang mga isyu na ito sapagkat tinitingala ang media ng publiko. We should not treat reporters or cameramen like commodities, just like how we should not be treating our minimum wage workers as commodities,” ani Manicad.

Dagdag niya, “Gusto natin siguraduhin na bago natin sila ilagay sa coverage ay hindi nila iisipin ang suweldo nila, o kung may hazard pay sila o insurance, o kung mababayaran ba ang mga pangangailangan nila sa bahay.”

Binigyang-pansin din ng mamamahayag ang karapa-tan ng mga miyembro ng media mula sa probinsiya na ‘di gaanong napapa­kinggan sa mga isyu ng labor kompara sa national media.

Aniya, nakalulungkot ito sapagkat ang mga mama­mahayag sa mga probinsiya kadalasa’y nagsisilbing tagabantay sa kapakanan ng taongbayan lalo sa maliliit na munisipyo at bayan.

“It’s sad because our local and provincial press do an equally important job of telling the news, covering, and exposing the truths in small towns and municipalities all over the country,” ani Manicad.

“For example, itong elections, isa sa watchers natin against election-related violence at cheating ang ating local media. We have to treat them more fairly,” aniya.

Kamakailan ay tumawag ng pansin si Manicad sa mga lokal na pamahalaan at sa pulisya sa isyu ng election-related violence pagdating sa media. Aniya, kailangan bantayan ang mga mamamahayag sapag­kat ilan sa kanila ay pina­patay o sinasaktan habang nag-uulat ukol sa halalan.

Kung mahalal sa Sena-do sa darating na eleksiyon, nangako si Manicad na kanyang isusulong ang  ka-rapatan ng mga mamama-hayag pagdating sa suwel-do. Nais din niyang isulong ang pagpapaigting ng mga batas na tutugon sa mga problema ng agrikultura, kakulangan ng pagkain, at pagresponde tuwing may sakuna. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Navotas

Navotas magpapatupad ng bagong oras sa trabaho

MAGPAPATUPAD ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula 2 …

gun shot

Nurse, 1 pa todas
SENGLOT NA SEKYU SUMEMPLANG 2 TUMULONG PINAGBABARIL

ISANG nurse at isang pang lalaki ang namatay sa pamamaril ng lasing na rider, nang …

road accident

7-anyos, nanay, 1 pa patay, 17 sugatan sa bus na nawalan ng preno

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang 7-anyos na batang babae, ang kanyang nanay, at …

Las Piñas KALINISAN Bagong Pilipinas clean-up drive

Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang lungsod ng Las …

050124 Hataw Frontpage

Naririnig ko lang na may perks… pero hindi itong MLM scheme – DOH chief
BELL KENZ TUMANGGING SANGKOT SA MULTI-LEVEL MARKETING

ni Niño Aclan ITINANGGI ng kompanyang Bell Kenz Pharmaceutical, Inc., ang akusasyon na sangkot sila …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *