Friday , April 26 2024

Martin, pinag-aagawan nina Akihiro at Kiko; Ang ganda ko pala — Martin

IDINAAN sa biro ni Martin del Rosario ang kanyang sagot sa tanong namin kung ano ba ang pakiramdam na pinag-aagawan siya nina Akihiro Blanco at Kiko Matos, mga leadingmen niya sa pinagbibidahang Born Beautiful directed by Perci Intalan.

Ang ganda ko pala!” sambit ni Martin sabay tawa.

Nakausap namin si Martin sa matagumpay na special uncensored version screening ng Born Beautiful sa UP Cine Adarna (UP Diliman) noong Biyernes, January 18. Tuwang-tuwa si Martin dahil nakita niya ang mahabang pila ng mga taong gustong maunang makapanood ng pelikula bago ang showing nito sa January 23.

Ginagampanan ni Martin sa movie ang role ni Barbs, isang transgender na iibig sa dalawang lalaki – sina Michael Angelo (Akihiro) at Gregory (Kiko)—na pag-aagawan ang kanyang pagmamahal at atensiyon.

Paano ide-describe ni Martin ang pakikipagtrabaho kina Akihiro at Kiko? “Sobrang walang arte kaya siguro naging maganda rin ‘yung pagtatrabaho namin, kaya rin naging mas matapang ‘yung script. Actually, hindi lang kina Aki at Kiko, sa lahat ng cast na sobrang ibinigay lahat at game sa lahat ng sinasabi ni Direk Perci.”

Sagana sa kissing scenes at love scenes si Martin kina Akihiro at Kiko. Okay lang ba na tila mas napag-uusapan ngayon ang daring scenes nila? “Okay lang naman. Pero ang gusto kong sabihin sa lahat ng mga tao, hindi lang ito tungkol sa kissing scenes at love scenes, maraming matutututuhan ‘yung mga manonood dito.”

Paano ilalarawan ni Martin ang halik nina Kiko at Akihiro? “Siguro ‘yung kay Kiko is wild and animalistic. Kung kay Aki naman is romantic and passionate.”

Kung pipili siya, ano ang mas nagustuhan niya, ang animalistic kiss ni Kiko o passionate kiss ni Akihiro? “Depende sa mood ni Barbs. Kasi pwede mo naman gawin parehas,” biro ni Martin.

Kasama rin sa cast ng movie sina Chai Fonacier, Lou Veloso, Elora Espano, VJ Mendoza, Joey Paras, Jojit Lorenzo, at Gio Gahol. Produced by The IdeaFirst Company Inc., Cignal Entertainment, at OctoberTrain Films, ang Born Beautiful ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa Miyerkoles, January 23.

ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *