Friday , April 26 2024
BIGO ang kampanya ng EcoWaste Coalition para sa isang trashless na Traslacion dahil iniwan nang halos 200,000 deboto ang kanilang mga basura sa lansangan at sa mga pook na kanilang pinamalagian sa Sta. Cruz, Binondo, Intramuros, Ermita at Quiapo, Maynila. (BONG SON)

Basura ‘umapaw’ sa Traslacion ‘zero-waste’ campaign wa-epek sa deboto

SA kabila ng kampanya ng ilang grupong maging ‘zero-waste’ ang Tras­lacion ngayong taon, nag-iwan pa rin ang libo-libong deboto ng Itim na Poong Nazareno ng mga basura sa rutang dinaanan ng prusisyon.

Ayon kay Daniel Alejandre ng Ecowaste Coalition, tila bingi ang publiko sa kanilang pakiusap na magkaroon ng trash-less at zero-waste na Traslacion dahil sa walang habas na pag­tatapon ng basura sa harap ng Quirino Grand­stand.

Bundok-bundok na basura ang iniwan ng mga debotong nag-camp out sa Quirino Grandstand kabilang ang mga tinu­lugan nilang mga karton at plastik, pinagkainan, mga plastik na bote, at mga tsinelas.

Itinala ng EcoWaste Coalition na kasama sa mga iniwang basura ng mga deboto ang mga diaper at wipes, tirang pagkain at lalagyan nito, plastik na bote na may lamang ihi, cup noodles, sachet ng kape, upos ng sigarilyo, at iba pang mga plastik na produkto.

Dagdag ni Alejandre, walang takot magkalat ang mga deboto na kung tutuusin ay paglabag sa lokal at pambansang batas pangkalikasan na mas madalas winawa­lang-bahala kaysa ipatu­pad.

Ang pagtatapon ng basura, lalo pa tuwing may gawaing pangre­lihiyon, ay hindi katang­gap-tanggap. Ang debo­syon, aniya, ay hindi dapat nagiging dahilan ng polusyon.

Naobserbahan din ng grupo ang parehong kalu­nos-lunos na kala­gayan sa distrito ng Quiapo na natagpuan ng mga volunteer ang mga styrofoam na pinaglag­yan ng mga pagkain na nakakalat sa mga kanto, tabing-kalsada, at iba pang lugar na pinagpa­hingahan at kinainan ang mga deboto.

Nagkaisa ang Depart­ment of Public Works and Highways (DPWH), Metro Manila Develop­ment Authority (MMDA), lokal na pamahalaan ng Maynila, EcoWaste Coa­lition at mga miyembro ng mga grupong pang­sibiko at pangrelihiyon na linisin ang iniwanan ng mga deboto ng Poong Itim na Nazareno.

Dala ang mga walis at pandakot, nagkaisa ang mga street sweeper sa pagtipon ng mga basu­rang iniwan ng mga debotong lumahok sa Traslacion.

Gumamit ng trak na may malalaking walis sa ilalim ang MMDA at local na pamahalaan ng May­nila upang mapabilis ang pagtatanggal ng mga kalat sa lansangan.

“Umaasa tayong katulad ng pagkalinga at respetong binibigay ng mga deboto sa Mahal na Itim na Nazareno ay maibigay din nila para sa iisang mundong ating tinitirhan,” malungkot na pahayag ni Alejandre.

Sa datos, nakalikom ang MMDA ng 385 toneladang basura noong Traslacion 2018 – 10% na mas marami kaysa nako­lekta noong 2017.



Traslacion 2019: Payapa pero ‘umapaw’ sa basura

1,000 deboto,  nasaktan 3 itinakbo  sa ospital

1,000 deboto, nasaktan 3 itinakbo sa ospital



About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, LAW BREAKERS ARESTADO, DROGA AT BARIL KOMPISKADO

NAGSAGAWA ang Bulacan police ng sunod-sunod na operasyon na nagresulta sa pagkakakompiska ng ilegal na …

gun ban

Puganteng Chinese arestado sa ilegal na pag-iingat ng baril

INARESTO ng pulisya ang isang Chinese national dahil sa kasong illegal possession of firearms sa …

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *