Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 1,000 deboto, nasaktan 3 itinakbo sa ospital
1,000 deboto,  nasaktan 3 itinakbo  sa ospital

1,000 deboto, nasaktan 3 itinakbo sa ospital

Bago mag-6:00 pm, umabot sa 1,070 katao ang nangailangan ng atensiyong medikal sa gitna ng Traslacion 2019 nitong Miyerkoles, 9 Enero.

Sa ulat ng Philippine Red Cross, 10:00 am pa lang ay 578 deboto ang nilapatan nila ng pang-unang lunas.

Ayon sa Red Cross, 25 ang klasipikadong ‘major case’ na tatlo ang dinala sa ospital kabilang ang isang senior citizen na nasa kritikal na kondisyon nang siya ay matapakan ng iba pang mga deboto sa gitna ng prusisyon.

READ MORE:  Sa CamSur: Mag-asawa, 2 apo patay sa nasunog na hardware

Pagkahilo, hirap sa paghinga, pamamaga ng paa, pagdugo ng ilong, pagkatusok ng matutulis na bagay, hypoglycemia, at pamamaga ng paa ang karaniwang dahilan ng pangangailangan ng pang-unang lunas.

Kasama sa mga na­sak­­tan ang isang debo­tong nahulog sa andas matapos tangkaing hawa­kan ang mapaghimalang imahen ng Poong Itim na Nazareno.

READ MORE:  Utol, misis ‘may relasyon’ inutas ni mister

Nagtalaga ang Philip­pine Red Cross ng 1,000 volunteer, 12 estasyon para sa pang-unang lunas sa kahabaan ng ruta ng Traslacion, 50 ambu­lan­siya , 1 emergency medical unit, 1 rescue truck, at iba pang pasilidad at kaga­mitang pangmedikal.

Inalerto ng Depart­ment of Health ang lahat ng ospital na manatiling nasa “Code White” upang masegurong handa ang lahat sa pagtugon sa mga emergency case.

READ MORE:  14 katao sugatan sa banggaan ng bus at jeep

Nagtalaga ang Philip­pine Coast Guard ng 31 floating assets sa paligid ng Quirino Grandstand at sa Ilog Pasig kasama na ang medical personnel sakay ng mga rubber boat na nakaabang sa Jones Bridge na nagdudugtong sa Ermita at Binondo.



Traslacion 2019: Payapa pero ‘umapaw’ sa basura

Basura ‘umapaw’ sa Traslacion ‘zero-waste’ campaign  wa-epek  sa deboto

Basura ‘umapaw’ sa Traslacion ‘zero-waste’ campaign wa-epek sa deboto



About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top