Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / PAGCOR at DILG-BFP walang paki sa Thunderbird resorts & casino sa Binangonan, Rizal?!
PAGCOR at DILG-BFP  walang paki sa Thunderbird  resorts & casino sa Binangonan, Rizal?!

PAGCOR at DILG-BFP walang paki sa Thunderbird resorts & casino sa Binangonan, Rizal?!

MUKHANG walang pakialam ang Philippine Amusement and Gaming Corp., (PAGCOR) at DILG-BFP kahit sandamakmak ang reklamo ng mga ‘clientele’ na nabibiktima ng advertisement sa website ng Thunderbird Resorts & Casino sa Rizal.

Sa kanilang website kasi ay napakaganda ng mga retratong naka-post. At dahil nasa paanan ito ng Sierra Madre, nakapang-eengganyo rin sila na very relaxing sa kanilang resorts and casino.

Siyempre, kung gusto ngang mag-relax ng isang indibidwal kasama ang kanyang pamilya, tiyak na dadayuhin niya ang lugar.

Pero sabi nga ng isang kabulabog na naligaw diyan, grabeng disappointment ang kanilang naranasan.

READ MORE:  Nangayaw na ba talaga si Eddie?

Ayon sa kanilang website — “To meet your sophisticated business and leisure demands, we offer world-class services and amenities – all set within easy reach from Manila.”

Bukas umano sila 24/7 — for leisure, recreational luxury, and entertainment — dahil sila ay isang international casino.

Pero ayon nga sa kabulabog natin, lahat ‘yan ay sa website lang may katotohanan dahil sa realidad, kahit 3-star ay hindi mapagkakamalan ang Thunderbird Rizal dahil sa kanilang serbisyo, amenities at mismong structure.

READ MORE:  Transport Usec Cesar Chavez nagbitiw na (Sa kapalpakan ng MRT 3)

Ang sinasabi nilang international casino ay walang elevator kundi escalator lang. Kaya nakita ng kabulabog natin na ‘yung kliyenteng naka-wheel­chair ay binubuhat pa para maka­akyat lang.

E paano pala kung biglang madulas o madapa ‘yung nagbubuhat?

E ‘d indultong katakot-takot ‘yan?!

‘Yung casino gaming area mismo, walang water sprinkler na mahigpit na rekesitos ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga establisiyementong gaya ng Thunderbird.

Kaya nagtataka tayo kung bakit pumayag ang PAGCOR na magkaroon ng casino riyan sa Thunderbird gayong kulang na kulang ang kani­lang estruktura?!

READ MORE:  Wala na bang pag-asang mapatino ang Bilibid sa Muntinlupa?

Ano ba ang basehan at rekesitos para maglagay ng casino sa isang establisiyemento?!

Mukhang nakalusot itong Thunderbird sa matalas ninyong pang-amoy at panunuri Madam Didi Domingo?!

Paano na?!

Bakit ba tahimik na tahimik ang DILG-BFP diyan sa ilang fire hazard violations ng Thunder­bird Rizal?!

Anong ‘something’ mayroon sa Thunderbird Rizal at hindi sila pinakikilalaman ng BFP at PAGCOR?!

Paki-esplika na nga po Madam Didi…

Paging DILG chief, Secretary Eduardo Año!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top