Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / 60 pamilya nag-Pasko sa bagong bahay handog ng Navotas
60 pamilya nag-Pasko sa bagong bahay handog ng Navotas

60 pamilya nag-Pasko sa bagong bahay handog ng Navotas

BAHAY ang ipinamasko ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas City sa mga pamilyang Navoteño na dating nakatira malapit sa dagat o ilog.

Umabot sa 60 pamilyang Navoteño ang nagdiwang ng Pasko sa bago nilang bahay makaraan pasinayaan at basbasan ang NavoHomes Dagat-dagatan sa Brgy. North Bay Boulevard south Dagat-dagatan.

“Isang ligtas na tahanan kung saan puwedeng bumuo ng mga pangarap ang isang pamilya — ‘yan ang gusto natin para sa bawat pamilyang Navoteño. Ito ang dahilan kung bakit nagsisikap tayong maialis ang mga pamilyang naninirahan sa itinuturing na danger areas at mabigyan sila ng disente at ligtas na tahanan,” ani Mayor John Rey Tiangco.

READ MORE:  Sinungaling pa rin

Habang hinikayat ni Rep. Toby Tiangco ang mga benepisaryo ng pabahay na lumahok sa mga programa ng pamahalaang lungsod.

READ MORE:  Saan Ka Man Naroroon Aking Mahal (IKA-34 labas)

“Naghahandog ang ating lokal na pamahalaan ng mga scholarship, medical assistance, kabuhayan, at iba pa.  Samantalahin ninyo ito dahil ito’y ginawa para matulungan kayo at ang inyong pamilya na magkaroon ng magandang bukas,” saad niya.

May limang in-city housing projects ang Navotas na nakalaan sa 1,800 pamilya. Para maging benepisaryo, kailangan nilang sumailalim sa drug test para masiguro na payapa ang mga komunidad sa pabahay.

READ MORE:  Feng Shui: Pag-iisip ikonsidera sa katangian ng mga pagkain

Nitong Nobyembre, pinasinayaan ng lungsod ang lima sa walong gusali ng NavotaAs Homes Tanza II sa Brgy. Tanza 2. Ang nasabing pabahay ay maaaring tirahan ng 408 pamilya. (JUN DAVID)

About Jun David

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top