Saturday , May 11 2024
Catriona Gray Natalie Glebova Pia Wurtzbach Lupita Jones Denise Quiñones Gabriela Isler Iris Mittenaere
Catriona Gray Natalie Glebova Pia Wurtzbach Lupita Jones Denise Quiñones Gabriela Isler Iris Mittenaere

Mga beauty queen, nagsama-sama

 

NAGSAMA-SAMA sa isang litrato ang mga beauty queen at ang itinanghal na 2018 Miss Universe Catriona Gray pagkatapos ng timpalak pagandahan naginanap sa Thailand na ipinost ng 2005 Miss Universe ng Canada, si Natalie Glebova sa kanyang personal IG account.

Kasama ni Glebova (Canada) sina Miss Universe 1991 Lupita Jones (Mexico), Miss Universe 2001 Denise Quiñones (Puerto Rico), Miss Universe 2014 Gabriela Isler (Venezuela), Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (Philippines), Miss Universe 2016 Iris Mittenaere (France), at Catriona.

May caption iyong, “The Miss Universe reunion to celebrate the crowning of our new sister @catriona_gray Congratulations Philippines on another victory!!!”

Pero ipinost din ni Natalie na siyam ang former Miss Universe na nanood ng 2018 Miss Universe at hindi lang nakasama sina Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel-Peters (South Africa) at Miss Universe 1998 Porntip Simon (Thailand).

Ka­sama naman sa panel ng hurado ng gabing iyon sina Michelle McLean (Miss Universe 1992, South Africa) at Bui Simon o Porntip Nakhirunkanok (Miss Universe 1988, Thailand). Kaya naman 11 ang kabuuan ng Miss Universe winners na nasa loob ng IMPACT Arena, Bangkok, Thailand.

ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Boobay Aparri Cagayan

Boobay muling inatake habang nagso-show sa Aparri

MULI na namang ikinabahala ng mga nagmamahal kay Boobay ang naging eksena nito sa isang show sa …

Liza Soberano

Liza may pa-sulyap sa kaseksihan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI na naman ikinagulat ng lahat ang mga naglabasang fotos ni Liza …

Bato dela Rosa Jonathan Morales Maricel Soriano

Maricel matapang na sinagot, hinarap mga tanong sa Senado

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NASOPLA na kung nasopla ni Diamond Star Maricel Soriano ang Senate investigation kaugnay …

SB19 Puregold

Berde at Gento: Kasama na ang SB19 sa bigating OPM lineup ng Puregold

OPISYAL na kinompirma ng Puregold ang kolaborasyon nila sa Pinoy boy band na SB19 at talaga namang kinasabikan ito …

Claudine Barretto  Elaine Crisostomo

Direktor ni Claudine sa Sinag, Vilmanian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISANG karangalan para kay direk Elaine Crisostomo na maidirehe si Claudine Barretto sa isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *