Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jessy, naka-move on na kay Enrique; KC, friend na rin kay Piolo
Jessy, naka-move on na kay Enrique; KC, friend na rin kay Piolo

Jessy, naka-move on na kay Enrique; KC, friend na rin kay Piolo

KANI-KANINO kaya nanggaling ‘yung mga report kamakailan na inuungkat pa Jessy Mendiola sa mga media event ‘yung ginawa sa kanya ni Enrique Gil na tangkang paghalik ng aktor habang sakay ang isang grupo ng ABS-CBN stars sa eroplanong papuntang London para sa isang malaking pagtatanghal doon.

Sa media conference ng isang pelikula naungkat ang insidenteng ‘yon. And as usual sa media events, bihira namang mag-ungkat ng paksa ang mga artista mismo. Ang mga nag-iinterbyu ang mga nangangalkal at sumasagot lang ang mga artista. Umiiwas din naman sila na maging kontrobersiyal. Pero nagiging kontrobersoyal pa rin sila dahil sa estilo ng pag-uulat ng maraming showbiz reporters at columnists.

Happily, sa isang report sa Rappler online, ang tsika ay naka-move on na ang girlfriend ni Luis Manzano mula sa insidenteng ‘yon.

Ayon sa report ng news agency na ‘yon, ang pahayag ni Jessy ay: ”Sometimes things burden you more if you don’t let go of it. I am okay now.

“Worse things have happened, and it is obvious that I am happy now. Let’s just forget about the past.

Hindi na pabigat sa likod ni Jessy ang insidenteng ‘yon. Hindi kaya ang sama ng loob n’ya noon ang dahilan kaya nagsimula siyang tumaba at laitin ng netizens dahil sa pagbigat at paglaki n’ya?

READ MORE:  Ronda Patrol, Alas Pilipinas, programang makabuluhan!

Nang tanungin siya kung payag siyang makatrabaho si Enrique, ang maikli at mapayapang sagot n’ya ay ”We’ll see.”

Nangayayat na siya sa paggamit ng iba’t ibang paraan ng pagbawas ng timbang. Mga paraang malamang na ‘di naging epektibo kung kargado pa siya ng mga sama ng loob.

Nagsisimula na rin siyang datnan ng mga trabaho sa showbiz. May mga bago siyang endorsement job. At nasa lead cast siya ng The Girl in Orange Dress na isa sa walong entries sa paparating na Metro Manila Film Festival.

Ang isa pang nagpatawad na kaya gumagaan na rin ang katawan ay si KC Concepcion. Nagtuturingan na pala uli sila ni Piolo Pascual na magkaibigan. Ex-sweethearts sila, ‘di ba?

Actually, si KC ang nag-announce sa Instagram n’ya na matagal na silang nagbati ni Piolo. At ginawa n’ya ‘yon bilang reaksiyon sa isang netizen na nag-comment sa Instagram ni KC na:  ”My wish is maging mag-friends na kayo ni Piolo Pascual at accept doing a [photo op] with him. Just for the happiness of your fans.”

Maningning na sumagot naman si KC ng: ”We are good. Piolo and I have forgiven each other and know that we will care about each other as friends. Hay nako, baka nahuli na po kayo sa balita. Hehe.”

Malamang na wala pang offers na project sa kanilang dalawa kaya ni magpalitrato na magkasama ay ‘di nila nagagawa.

READ MORE:  Dating na-link kay KC, love pa rin ang aktres

Wala na rin namang kontrata si KC sa Kapamilya Network kaya walang dahilan para mapadpad siya sa ABS-CBNcompound at matulikap doon ang ex n’ya.

Talaga naman sigurong wala nang pabigat sa dibdib ni KC na may kinalaman sa mga kumupas na n’yang relasyon kaya malaya siyang gumawa ng ibang bagay na kasiya-siya sa buhay n’ya. Noong matapos ang relasyon n’ya kay Ally Borromeo, ang football player na miyembro ng Philippine team, naisip n’yang magnegosyo bilang jeweler. Nag-design siya ng mga mamahaling alahas at ibinenta n’ya ang mga iyon sa kompanya n’yang Avec Kristina (salitang French na ang ibig sabihin ay “with Kristina”; kuha ang pangalan sa full name n’yang Kristina Cassandra).

READ MORE:  Sofia Andres magiging kalaban ng Bagani?

Dahil bukas ang puso n’ya, binalikan siya ng isang film maker sa Paris, France na nakarelasyon n’ya noong nag-aaral pa siya roon.

Love is lovelier the second time around para sa kanila ni Pierre Plaissard na ang edad ay halos sampung taon ang tanda kay KC. Happily, ang megastar na ina n’ya ay gustong-gusto ang banyaga para sa kanya.

Hindi pinalabo ng ‘di-pagpapatawad sa mga naunsiyaming relasyon ang isipan ng nag-iisang anak ng dating mag-asawangSharon Cuneta at Gabby Concepcion. Bukod sa negosyo n’yang pag-aalahas, namimili na rin si KC ng mga lupain na pwede n’yang pagtayuan ng isang resort.

Kamakailan ay nag-post siya sa kanyang Instagram ng litrato ng isang malawak na lupain sa Palawan na malapit sa dagat. Nabili n’ya ang beach property na ‘yon dahil umiwas siyang bumili ng mga Hermes bag na milyones ang halaga.

O ‘di ba mapalad si KC dahil mapagpatawad siya?

Ayon nga pala sa ilang spiritual teachers, ang kimkim na mga nagpatong-patong na sama ng loob ang totoong sanhi ng sakit na kanser.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top