Friday , April 26 2024

Indie actor, winner sa poster making contest sa HIV/AIDS awareness ni Venson Ang

NANALO ang indie actor na si John Remel Flotildes sa poster making contest ni Venson Ang hinggil sa HIV/AIDS awareness bilang bahagi ng kanyang advocacy. Ginanap ang awarding last December 8 na bukod kay Venson, kabilang sa mga judge sina Bin Samonte at Al Perez.

Si John ay tumanggap ng 5k cash, Star Samson Gym gold medal, at certificate of participation sa World AIDS Day on the spot poster making contest. Second placer si Niño Olosis, at 3rd place naman ang nakamit ni Bienne Samanta Rosales.

Bukod sa pagiging indie actor, si John ay isang artist ng Cavite Group of Artists, model, at sa male pageant ay twice nanalo na Best in Talent dahil sa husay niya sa hand painting.

Ang pamangkin ni Venson na si Ms. Liezel Ang Buenaventura ang nag-represent sa kanya. Ang naging theme ng event ay Know Your Status Alamin Ang Kalagayan Mo hinggil sa HIV.

Si Venson ay isang bodybuilding enthusiast and healthy lifestyle advocate. Siya rin ang may-ari ng New Star Samson Gym sa Tagaytay City at Roosevelt, Quezon City, at dating talent manager ng mga dancing bodybuilders. Siya ay naging presidente at chairman ng Filipino Chinese Weightraining Association at Power Lifting Association. Isa siyang Parangal ng Bayan Sports awardee na ipinagkaloob sa kanya noong 1997 ni former president Fidel V. Ramos. Noong 2002, recipient din siya ng award sa Who’s Who in Philippine Sports mula kay ex-president Gloria Arroyo.

Ang highest award na nakuha ni Venson ay mula sa International Federation of Body Building & Fitness (IFBB) dahil sa pagpo-promote niya ng bodybuilding at sa pagiging Tournament Director ng International bodybuilding event na Asian Women’s Bodybuilding Championship noong 1989. Dito’y tumanggap siya ng medal noong Dec. 3 1989 sa presidente nito na si Ben Weider.

Ayon kay Venson, ipinagpapatuloy niya ang kanyang advocacy lalo’t nakaaalarma na ang pagtaas ng cases ng HIV sa bansa. May 32 new cases kasi na naitatala sa Pilipinas kada araw, at tayo ang nangunguna sa Asia Pacific. Ayon pa sa kanya, dapat na mas paigtingin ang awareness hinggil sa HIV/AIDS. Nabanggit pa ni Venson na libre ang HIV test sa DOH.

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *