Tuesday , January 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ryza, ‘di issue kung kontrabida roles ang ginagawa
Ryza, ‘di issue kung kontrabida roles ang ginagawa

Ryza, ‘di issue kung kontrabida roles ang ginagawa

MALAKING karangalan para kay Ryza Cenon ang makatrabaho sina Coco Martin, Vic Sotto, at Maine Mendoza sa pelikulang Jack Em Popoy The Puliscredibles na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival at mapapanood sa December 25.

Kuwento ni Ryza, “Flattered ako na mapasama sa cast ng ‘Jack Em Popoy’ at makatrabaho sina Bossing, Coco, at Maine.

Lahat ng kasama namin, mga beterano at magagaling na artista kaya sobrang thankful ako na na-consider nila ako sa cast.

“This year, super blessed and grateful ako. For the whole year, nabigyan ako ng magagandang project sa ABS-CBN.

“And I’m thankful to my Viva family. Sana po ngayong 2019, more blessings and siyempre, new year, new life!”

At kahit nga nalilinya sa pagko-kontrabida si Ryza ay wala itong problema sa kanya lalo na’t dito siya tinanggap ng mga manonood . As long as may project mapa-kontrabida man ‘yan o bida ay okey na okey lang sa Kapa­milya actress.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top