Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Tulong ni SGMA hiniling sa paglaya ni Ka Satur et al
Tulong ni SGMA hiniling sa paglaya ni Ka Satur et al

Tulong ni SGMA hiniling sa paglaya ni Ka Satur et al

NANAWAGAN sina Gabriela Rep. Arlene Brosas at Emmi de Jesus kay House Speaker Glo­ria Macapagal-Arroyo na gumawa ng paraan para sa agarang paglaya nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Rep. France Castro.

Sina Castro, Ocam­po at 72 pang iba ay hinuli ng mga pulis sa Talaingod, Davao del Norte. Sina Castro, Satur, at ang iba pang mga indibiduwal ay dumalo sa isang “soli­darity mission” para suportahan ang mga estudyante ng Lumad school na isinara ng 56th Infantry Battalion ng Philippine Army.

READ MORE:  Martial law sa Mindanao suportado ng senado

Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, ang convoy ng solidarity mission ay hinarang at pinagbabato ng hinihinalang mga miyembro ng parami­litary group na Alamara. Pinako aniya ang mga gulong at pinagbabasag ang mga salamin ng sasakyan nina Castro at Ocampo.

READ MORE:  Digong nag-aerial inspection sa sunog sa Manila Pavilion

Sinabi ni Tinio, imbes habulin ang mga umatake kina Castro at Ocampo, sila ang dinala sa estasyon ng pulisya at inihahanda ang kasong human trafficking at child abuse.

Kaugnay nito, hina­mon nina Brosas at De Jesus si Arroyo na tuma­yo para sa karapatan ng mga miyembro ng Ka­mara na umiikot sa mga lugar na kailangan sila.

READ MORE:  Walang Pinoy sa sunog sa Taiwan – MECO

“Speaker Arroyo should tell the police and military to respect the rule of law, and the rights of legislators and the public, especially in martial law-infested Mindanao,” ani Brosas at De Jesus.  

(GERRY BALDO)

 

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved