Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris to Nicko Falcis: Kaya kitang patawarin, pero magpakita ka sa akin
Kris to Nicko Falcis: Kaya kitang patawarin, pero magpakita ka sa akin

Kris to Nicko Falcis: Kaya kitang patawarin, pero magpakita ka sa akin

PERSONAL na nagtungo si Kris Aquino kahapon ng hapon sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office para sa reaffirmation ng kanyang reklamong Qualified Theft laban kay Nicko Falcis.

Pero bago ito, nagkaroon muna ng press conference si Atty. Jesus Nicardo Falcis III para igiit na inosento ang kapatid niyang si Nicko laban sa reklamong qualified theft ni Aquino.

Ani Aquino, naayos sana ang usaping ito kung nakipagkita at nakipag-usap sa kanya si Nicko. Katunayan, anim na beses nilang sinubukang makipag-usap sa huli.

“He’s the one who had a major contribution in my life. WE, and I say that, na us, we have gratitude.

“I’m sorry that it came to this because I had to see papers that I should not have seen. But unfortunately I did. This could have been fixed and I will reiterate that six times nag-attempt ang side namin.”

Pagpapatuloy ni Kris, “Kung patuloy naman na tinatanggihan ka eh ikaw nang naagrabyado mayroon nang mali roon. Pero sasabihin ko ang last statement was, we are open for an amicable settlement.

“I’m saying it directly to you Nicko, we shared something special. You helped me, rise up when I was down. May utang na loob ako. Kaya natin itong ayusin, sana naayos ito kung tayong dalawa lang.

“And sinasabi mo na kumuha ako ng powerful lawyers, powerful friends, bakit hindi ko iyon gagawin eh kinabukasan ito ng mga anak ko. At iyon ang masakit eh, itinuring ka naming pamilya. Kaya nga kaya kong sabihin, kaya kitang patawarin. Pero magpakita ka naman sa akin. “Na you’re at least trying to meet me halfway because I’ve done more than my share.”

Giit ni Kris, hindi niya pinangalanan ang business partner niyang si Nicko sa mga interbyu o post niya sa social media.

READ MORE:  KathNiel fans, takot masapawan ang kanilang idolo
READ MORE:  Kuya Boy, naloka kay Vice

“Everytime I had a milestone in my life I’ve shared it with you. I no longer blame you for all the painful I went through kasi ibinigay ko ‘yun kay God. It’s really up to Him.

“All I’m saying is, I have done my share to try to fixed this. And if you will not try to meet me halfway, I did not make any unreasonable demands. My lawyers we’re being fare. You were never named, until last night. You know I did not name you because kasi you know kung ilan ang followers ko. At hindi ko ginusto na gawin ito na sirain ang buhay mo. Kasi ganoon ‘yun eh. Kung may fans ka blindly, whether tama ka o mali ka ikaw ang sasang-ayunan. Kaya lang when you’re pushed against the wall, at ang buong kredibilidad mo inaatake na, ‘yun na lang ang pinanghahawakan ko. ‘Yun ang ipinambubuhay ko sa mga anak ko.”

Nasabi pa ni Kris na gusto niyang maayos ang problema nila ni Nicko.

READ MORE:  Sarah, nahirapang sagutin kung nagtampo at umalis nga ba siya ng kanilang bahay

“I want this fixed you know why? Because my sister said kung maayos mo ‘yan baka mas mabilis kang gumaling. Because it is all the stress. This is not a play for sympathy, it’s just the truth. So let’s fixed this.”

Ukol naman sa sinasabi ni Atty. Falcis na umano’y may pagbabantang sinabi si Aquino kay Nicko, ito ang sagot niya.

“Sino nagsabi? Sana si Nicko ang nagsalita.”

ni REGGEE BONOAN

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved