Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alessandra, nagpakalbo; Through Night and Day, ikinompara sa Kita Kita
Alessandra, nagpakalbo; Through Night and Day, ikinompara sa Kita Kita

Alessandra, nagpakalbo; Through Night and Day, ikinompara sa Kita Kita

MARAMI ang nagulat sa ginanap na premiere night ng pelikulang Through Night & Day nang tumambad sa lahat ang kalbong Alessandra De Rossi kasama ang kanyang leading man na si Paolo Contis.

Isa kasi ito sa magiging highlight ng movie na nagpakalbo si Alessandra dahil kinailangan sa eksena. Kaya naman maraming kapatid sa panulat ang humanga at pumuri sa ginawa ng aktres at nagsabing tunay talagang aktres ang dalaga.

READ MORE:  Ginawa noon ng ECP, dapat gayahin ng film development

Suportado ni Empoy Mar­quez ang kanyang naging leading lady sa blockbuster movie na Kita Kita sa Red Carpet Premiere ng Through Night and Day na Rated PG and Graded A ng MTRCB.

Ang Through Night & Day ay produce ng Viva Films, Misschief Production Inc., at Octo Arts Films na palabas na simula ngayong araw, Nobyembre 14.

READ MORE:  Pinagsabihan ang KathNiel fans

Karamihan sa eksena ay kinunan sa Iceland at ang 1/4 naman ay sa Baguio City. Napakaganda ng pagkakalahad ng istorya ng pelikula at pagkaka-direhe. Napakahusay ng pagkakaganap ng mga pangunahing bituin. Tatawa’t iiyak ka sa mga eksena, mai-inlove, mamamangha sa ganda ng Iceland at revelation dito ang husay ni Paolo bilang dramatic actor.

Ikinokompara rin ang Through Night and Day sa Kita Kita pero mas marami ang nagandahan at humanga sa pelikulang pinagtambalan nina Assunta at Paolo.

READ MORE:  That is not the house of Krista Ranillo! — Pacman’s manager

Ilan sa celebrities na dumalo at nanood sina Ana Capri , Assunta De Rossi, Marion Aunor, Alysa Buenaobra, Gerdon Day, Gerald Napoles, Orly Ilacad, Heart Evangelista, LJ Reyes atbp..

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Daniel, KZ, at Jameson, target ni Jermae Yape

Daniel, KZ, at Jameson, target ni Jermae Yape

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved