Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Keanna Reeves arestado sa cyber-libel
Keanna Reeves arestado sa cyber-libel

Keanna Reeves arestado sa cyber-libel

ARESTADO sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang aktres at kome­dyanteng si Keanna Reeves dahil sa reklamong cyber-libel, nitong Lunes.

Ayon kay C/Insp. Cyrus Serrano, hepe ng CIDG sa Laguna, inaresto si Reeves, Janet Derecho Duterte sa tunay na buhay, sa Scout Ybar­dolaza, Quezon City, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Maria Florencia Formes-Baculo ng Laguna Regional Trial Court Branch 34.

READ MORE:  Ginang patay, anak sugatan sa live-in partner

Inireklamo si Reeves ng isang bar owner na pinagsalitaan daw niya ng mga negatibong bagay sa social media, ayon kay Serrano.

READ MORE:  Testigo sa Kian slay, kukunin ng PAO mula kay Hontiveros

Makaraan madakip, dinala ang aktres sa Criminal Investigation and Detection Group Regional Office sa Laguna para sa kaukulang pag­proseso sa kaniyang pag­kakaaresto.

Nagrekomenda si Judge Baculo ng P200,000 piyansa para sa pan­samantalang kalayaan ni Keanna.

Si Reeves ang iti­nanghal na big winner ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Edition” noong 2006.

READ MORE:  Sabi ni Duterte: Driver-lover ‘ikakanta’ si De Lima

Noong nakaraang weekend, lumabas si Reeves sa “Pinoy Big Brother: Otso” bilang isa sa mga dating nanalo sa reality show na pumili sa ilan sa mga bagong housemate.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved