Saturday , December 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Diego, 2 linggo o higit pa na mananatili sa isang pribadong institusyon
Diego, 2 linggo o higit pa na mananatili sa isang pribadong institusyon

Diego, 2 linggo o higit pa na mananatili sa isang pribadong institusyon

HALATA mong ginagawa nila ang lahat ng damage control sa paghahangad na maisalba si Diego Loyzaga sa posibleng negatibong epekto ng mga naglalabasang balita tungkol sa kanya. Bagama’t noong bandang huli ay natahimik na nga ang mga media na kanilang “napakiusapan”, at dahil wala rin namang makuhang bagong impormasyon, paano nga ba ipaliliwanag kung tumagal na mawala siya sa kanyang ginagawang serye?

Mukhang wala ring saysay iyong pinalabas sa isang radio program na umano ay nag-deny si Diego mismo sa pamamagitan ng text sa telepono ng mga naunang balita. Iyong mga nakaaalam ng kuwento, alam na hindi magsasalita si Diego o sino man sa kanyang pamilya. Hindi sila aamin, pero wala rin naman silang planong gumawa ng denial.

READ MORE:  Titulo ng bagong serye sa Dos, tunog nagmumura

Iyong mga hindi sanay sa damage control, ang unang iniisip ng mga iyan ay denial. Pero kung ang handler ay sanay sa damage control, hindi ganyan ang gagawin. Kasi ano pa ang magiging kredibilidad nila pagkatapos niyon? In the first place, ni hindi na yata nila alam kung ano pa ang mga sumunod na pangyayari.

READ MORE:  Tanner, mas malakas ang dating kaysa kay Luis

Matapos ngang ilabas si Diego sa St.Lukes, pansamantala siyang inilipat sa isang higit na pribadong institusyon para makapag­pagaling pa siya nang lubusan bago humarap na muli sa camera.

Sinasabi nilang mga dalawang linggo, o baka higit pa ang kanyang ilalagi roon para nga mas maka-recover pa siya sa mga nangyari. Wala namang malubha. Ayos lang naman ang lahat. Sinisiguro lamang nila na walang magiging komplikasyon ang nangyari.

READ MORE:  Pagiging 3rd wheel ni Joshua kina Elmo at Janella, inalmahan ng fans

Kung iyan ba naman ganoon na lang ang sinasabi eh, tutal wala namang masama. Mas magiging credible pa sana ang kanilang ginagawang damage control. After all “napakiusapan” na rin naman nila ang karamihan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Bagong imahe ni Baron, ipinangangalandakan sa social media

Bagong imahe ni Baron, ipinangangalandakan sa social media

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved