Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mas ligtas, maayos na evacuation centers (Para sa calamity victims) — Bong Go
Mas ligtas, maayos na evacuation centers (Para sa calamity victims) — Bong Go

Mas ligtas, maayos na evacuation centers (Para sa calamity victims) — Bong Go

MAS ligtas at maayos na evacuation centers para sa mga biktima ng kala­midad.

Ito ang isa sa naka­paloob sa legislative agenda ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go kapag pinalad sa kan­yang pagsabak sa 2019 senatorial polls.

“Panahon na po para magpatayo ng safe na evacuation centers na may kompletong pasilidad — may CR, may higaan, para komportable naman sila habang hinihintay maayos ang kanilang bahay,” ani Go sa pagbi­sita sa mga nasunugan sa Quiapo, Maynila kama­ka­ilan.

READ MORE:  OSHB ‘tribute at pagkilala’ sa obrero

Ang pagtatayo aniya ng ligtas na evacuation centers ay mainam na paghahanda sa anomang aksidente o kalamidad na darating sa isang lugar.

READ MORE:  Pagdukot ng ISIS sa 4 Pinoy nurses itinanggi ng DFA (Sa Libya )

Bukod sa Quiapo ay binisita rin ni Go ang mga nasunugan sa Cagayan de Oro City at Makilala, North Cotabato at nami­gay ng relief goods sa mga biktima.

Mamamahagi rin siya ng mga uniporme para sa mga mag-aaral at mga manggagawa.

Tiniyak niya na ipara­rating sa National Housing Authority (NHA) ang kahilingan ng mga nasunugan na ma­big­yan ng pabahay at ang mga nais magbalik pro­bin­siya ay bibigyan ng pasahe.

READ MORE:  Suporta kay SAP Bong Go sa Senado todo puwersa

Hinikayat niya ang mga nais magpagamot na pumunta sa pinaka­malapit na Malasakit Center upang matulu­ngan ng mga ahensiya ng gobyerno.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved